Archie Alemania mends womanizing ways: "Pinagsawaan ko na lahat ng tukso."

IMAGE Noel Orsal

Archie Alemania on being a changed man: "Dati, hinahayaan ko lang yung tukso... Yun ang dating Archie. Nakilala ko po ang Diyos, kaya yun po ang nagbago."


Aminado si Archie Alemania na makailang-beses din siyang naging mapaglaro sa pag-ibig. 

Kahit daw may karelasyon na siya ay pumapatol pa rin siya sa iba.

Kuwento ng Kapuso actor, “Dati, hinahayaan ko lang yung tukso.

“Hinahayaan ko silang lumapit talaga, tapos pinapatulan ko na rin.”

Inihayag ito ni Archie sa presscon ng GMA-7 afternoon soap na D’Originals, na ginanap sa GMA Network Center noong April 4.

Ayon kay Archie, may mga pagkakataong nahuli siya ng kanyang nobya na nambababae.

Natatawang pag-amin niya, “Nakailang sugod na rin po ako... Yun yung dating Archie.”

Ngayon daw ay itinutuwid na ng 39-year-old actor ang kanyang mga pagkakamali noon.

"Magti-three years na akong walang girlfriend, ayoko na rin po ng laru-laro.

“Gusto ko yung susunod, mapapangasawa ko na.

“Pinagsawaan ko na yung lahat ng tuksong ‘yan!"

Sa puntong ito, masayang ibinahagi ni Archie ang dahilan ng malaking pagbabago sa kanyang buhay.

Pahayag niya, “Nakilala ko po ang Diyos. Totoo po, Christian na po ako.

“Nakilala ko po ang Diyos, kaya yun po ang nagbago.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN