Trip Ni Kris producer keeps mum about Kris Aquino's allegations

IMAGE Jojo Gabinete / Kris Aquino Instagram

Piniling manahimik muna ng Trip Ni Kris producer na si Rhodora Morales kaugnay ng mga naging pahayag ni Kris Aquino, na delayed daw ang pagbayad sa kanya at ang panggagamit umano ng producer at ng anak nitong si Renan Morales sa kanya.


Tumangging magsalita si Mrs. Rhodora Morales kaugnay ng naging pahayag ni Kris Aquino na delayed ang pagbabayad niya at ginamit lamang nila ng kanyang anak na si Renan Morales ang TV host-actress.

Si Mrs. Morales ang nag-produce ng TV special ni Kris, ang Trip Ni Kris, na ipinalabas sa GMA Network noong Linggo, April 9.

Sinabi ng kampo ni Mrs. Morales na pinili nitong manahimik muna, pero nabasa niya ang paghingi ng paumanhin ni Kris sa Instagram account nito.

Nilinaw rin ng kampo ni Mrs. Morales na si Kris ang ayaw magkaroon ng presscon.

Taliwas ito sa pahayag ng TV host-actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na: “Nagpa-presscon sila para sa sarili nila. Sarili nila prinomote nila, not me.”


Stories We Are Tracking

Kris Aquino shuts down rumors linking her to councilor
Kris Aquino shuts down rumors linking her to councilor
Kris Aquino's new mystery guy revealed
Kris Aquino's new mystery guy revealed
Kris Aquino issues public apology to<em> Trip Ni Kris</em> producer
Kris Aquino issues public apology to Trip Ni Kris producer

Sa pakikipagkuwentuhan ng PEP kay Mrs. Morales noong March 31 sa Club Filipino, inamin niyang avid fan siya ni Kris.

Bilib na bilib daw siya kay Kris, kaya ipinag-produce niya ito ng TV special dahil matagal na itong hindi napapanood sa telebisyon.

“Malaki... malaki naman…” ang sabi ni Mrs. Morales tungkol sa budget ng Trip Ni Kris.

Nagkakahalaga umano ang TV special ni Kris ng P20 million.

Ipinagtanggol din daw ni Mrs. Morales si Kris sa kanyang mga kaibigan na nagsabing “lipas” at “panis” na ang TV host-actress.

Buo raw ang paniniwala niyang makababalik sa telebisyon ang isang talented host na tulad ni Kris.

Saad ni Mrs. Morales, “Kahit mag-break even lang ako dito o sabi nga nila, malugi. Hindi naman lipas si Kris, e.

“Ngayon nga, nahihilo ako sa offer. Gusto nila mag-sponsor, puro major sponsors, ha.

“Kung kailan yung last eight days na magpapalabas na kami, pasukan nang pasukan ang mga sponsor.

“Yung mga offer nila, puwede na akong mag-produce uli ng isa, isa at isa pa kaya nag-iisip ako ngayon. Gagawa pa ba ako?

“E, masarap naman na libangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tumatawa yung chairman ko kasi ang dami kong napapabayaan sa negosyo namin. Hindi naman kami kikita diyan, e.”

Patuloy ni Mrs. Morales, “Sabi nga ng mga kasama ko noon, ‘Huy, panis na ‘yan, baka wala nang manood.’

“Sabi ko, ‘Hindi, a. Pustahan tayo, kahit piso.’

“Yung manonood ang pinag-uusapan. Hindi yung kikita.

“Sabi ko, ‘Pustahan tayo, maraming-marami pa rin ang manonood niyan.’

“Ang daming followers, e, makikita mo kahit sa circle of friends namin.

“At saka kahit saan siya dumayo, talagang hinihintay at kinukulit si Kris, ‘Kailan ang show? Ano ba ‘yan, linggu-linggo na ba ‘yan? Araw-araw na ba ‘yan?’

“Yung mga edad namin, yun ang nakasubaybay. So, yun ang naghihintay sa kanya.

“Yung mga kabataan, hindi masyado. For adults na siya, e.”

Diin pa ni Mrs. Morales, “Wala akong anumang feeling na magpa-flop ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN