Daniel Padilla, Kathryn Bernardo bask in love and support of family, fans

IMAGE Noel Orsal

Sweethearts Daniel Padilla and Kathryn Bernardo feel the exhilaration of having their family root for their relationship. He says, headily, "Napakaasaya na nila makita kaming magkasama... Sobrang blessed kami na mabigyan nang mga ganitong supporters at pamilyang ganito sa amin."


Suportado ng mga taong nakapaligid kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang relasyon. 

Hindi lang ng kanilang mga fans kundi maging ng kani-kanilang mga pamilya.

Sa parte ni Kathryn, ibinahagi nito kung paano nakuha ni Daniel o DJ ang tiwala ng kanyang mga magulang, lalo na ng mommy niya.

Lahad niya, “Yung intensyon niya, matagal na yun para ma-earn yung trust sa ate ko, sa mama ko, kay Papa specially po. 

“Ang pinakamahirap yung pakikisama kasi po meron minsan misunderstanding.

“Yung mga ganyang scenario, ang gagawin na lang ni DJ, siya yung iintindi. 

“Nakikita ko na ginagawa niya yun, kaya po yun ang importante sa akin.”

Tumulay ba sa alambre si Daniel, lumakad ba ito sa apoy, para lang makamit ang tiwala ng mga magulang ni Kathryn?  

Napangiting sagot ni Kathryn, “Hanggang ngayon tumutulay pa rin po siya.”

Nasabi ni Daniel na wala nang personal assistant si Kathryn, kaya nilinaw ng aktres na hindi pa rin sila puwedeng lumabas ng aktor na silang dalawa lang.

Paliwanag niya, “Maramihan pa rin… pag aalis. 

“Gusto rin naman namin na hindi puwedeng kaming dalawa lang. 

“So, yung trust na-earn ni DJ sa five years na puwedeng lumabas, manood ng movie.

“Puwedeng umalis may mga kasama kami, which is good.

“Okey naman, basta ang importante hindi mo sisirain yung tiwala na yun.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Kathryn at Daniel sa presscon para sa kanilang lalabas na movie ngayong Black Saturday, ang I Can’t Help Falling In Love With You.

Ginanap ito sa WangFu resto sa Quezon City noong Martes, April 11.

TRUSTWORTHY. Kitang-kita rin kay Daniel ang pagkatuwa na marami ang nasiyahan na sila na nga ni Kathryn.

Nangunguna ang ina niyang si Karla Estrada sa pagpapayo kung paano niya mapapangalagaan ang pagmamahalan nila ni Kathryn.

Saad ng young actor, “Dahil siguro sinusunod namin yung gusto nila. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong nagsisimula kami ni Kathryn, nakikinig kami sa mga payo nila na relax lang… 

“Lahat ng gusto nilang mangyari, e, sinunod po namin, hindi yung sapilitan, ha. 

“Yung mga payo na yun ay para po sa amin ni Kathryn. 

“Hindi po yung sapilitan na payo na ‘O, magpaka-sweet kayong dalawa,’ hindi ho ganun."

Patuloy niya, “Saka siguro dahil may respeto po kami sa mga magulang namin, sa amin ni Kathryn.

“Nakikita po ng nanay ko kung paano siya respetuhin ni Kathryn.

“Nakikita rin po siguro ng nanay ni Kathryn kung paano ko sila respetuhin, ganun po siguro.

“Wala naman po kaming ginagawa para saktan yung loob ng mga magulang namin, pasamain ang loob nila.

“And very thankful kami na ganun ang mga magulang namin at yung mga taong nakapaligid sa amin.

“Yun nga po ang sinasabi ko, ‘Anong effort?’ Effort pagdating sa mga pelikula.

“Pero pagdating sa personal at sa amin ni Kathryn, wala kaming effort na magpakilig or yung mga ganun.

“Sila, napakasaya na nila makita kaming magkasama ni Kathryn.

“So, sobrang thankful na ganun ang nangyayari sa amin. 

“Sobrang blessed kami na mabigyan ng mga ganitong supporters at pamilyang ganito sa amin.”

FEELING THE LOVE. Sa kanyang komento, nagpahayag din ng kasiyahan si Kathryn sa approval ng kanilang mga magulang sa pagmamahalan nila ni Daniel.

Sabi ng dalaga, “Of course… napakasaya nun sa pakiramdam.

“Siguro kasi iba na rin pag may ganong love sa family ni DJ at kung paano si Mama kay DJ.

“Hindi lang siya nakikita na parang as love team na ganyan, para na siyang anak.

“Ang suwerte-suwerte ko kasi hindi sila mahirap pakisamahan, sina Tita Karla, yung mga kapatid niya. 

“Kaya mas naging smooth po lahat, thankful kami talaga sa lahat ng nangyayari.

“Kasi nga parang ang smooth lahat ng nangyayari.

“Alam ko na kung may mangyari man walang iwanan dito sa grupo na to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi more than just a Kathniel, yung team po namin, parang nag-iisang family.

“Yung stylist niya, make-up artist, kaya masaya talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN