Daniel Padilla, Kathryn Bernardo relate their tampuhan moments

IMAGE Noel Orsal

When Daniel Padilla and Kathryn Bernardo have a misunderstanding, people around them suffer the heartache. "Alam nila," she shares, 'Bakit magkahiwalay yung dalawa? Anong nangyari?' Hirap sila na magka-away kami."


Kapansin-pansin ang pagbu-bloom ngayon ni Kathryn Bernardo at marami ang humahanga sa kanyang ganda.

Binata namang matatawag ang hitsura ni Daniel Padilla ngayon.

Malayo sa mala-Justin Bieber na dating istilo ng porma niya.

May selosan pa rin ba sa kanila?

Sabi ni Kathryn, “Hindi naman, hindi na ganun kaseloso si DJ ngayon. 

“Dati seloso siya, ako rin mas selosa, pero ngayon mas chill na lang.”

May balitang kinakaibigan daw ni DJ ang mga nagkaka-crush kay Kathryn.

Pabirong pakli ni Daniel, “Hindi, baka bina-barkada nila ako!”

Patuloy niya, “Hindi, mas relax na ako ngayon, alam naman na nila. 

“Yung mga tatanga-tanga, yun ang mga hindi alam.

“Hindi ko na pinaparamdam yun sa kanila, kaya nga sila tatanga-tanga pag hindi pa nila naramdaman yun.”

LOVERS’ TIFF. Hindi man dahil sa selos, nagkakatampuhan pa rin daw ang magkasintahan paminsan-minsan.

Ayon kay Kathryn, pag nagkakatampuhan sila ay nalalaman agad ng mga taong nakapaligid sa kanila ni Daniel.

“Alam nila! Kapag magkaaway kami ni DJ… lahat kasi, ‘Bakit magkahiwalay yung dalawa? Anong nangyari?’ 

“Hindi namin siya matago, kaya yung mga taong nakapaligid sa amin, hirap sila na magkaaway kami.

“Kasi hindi kami mapilit na, ‘Hindi, bad trip pa kami sa isa’t isa.’

“May ganon kami talaga and that’s normal, really.

“Ang importante doon, inaayos talaga namin kasi naaapektuhan talaga lahat."

Dagdag pa niya, “Sabi lang ni Mommy, pag-usapan.”

Ganoon din daw ang ina ni Daniel na si Karla Estrada.

Kuwento ng Kapamilya star, “Ang mommy ko laging… sasabihin lang sa akin, ‘Mag-usap kayong dalawa.

“‘Huwag kang magbibitaw ng mga salitang pagsisihan mo. Basta, huwag kang magbibitaw ng salitang hindi mo magugustuhan.'

“Laging, ‘Babae naman yung kaaway mo… relax lang. 

“‘Kung alam mong tama, pag-usapan inyo na lang, lahat naman ng problema laging napag-uusapan.’”

Pabirong sambit pa ni Daniel, “Nanay ko laging ganyan, kaya lagi kaming nag-aaway.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SILENT TREATMENT. Hindi na nagbigay ang dalawa ng detalye sa mga tampuhan nila.

Nagbahagi lang si Daniel ng typical tampuhan scenario nila ni Kathryn.

Saad niya, “Kung anuman yung problemang... hindi kami nag-uusap for a while.

“Kailangan lang namin ng space; may sumpong, puyat, gutom, pagod. 

“Ganun lang, hindi lang kami nag-uusap agad… isip-isip muna.

“Pa-guilty ko muna siya nang kaunti, pero hindi siya ganun, e.

“Kailangan ako pa rin yung unang ano, e.”

Pumalag si Kathryn sa komento ni Daniel.

Bulalas niya, “Nagi-guilty rin po ako, hindi mo naman ipapahalata ‘yan, di ba?”

Paglinaw niya, “Depende sa problema pero ako, tahimik lang po

“Tapos isip-isip ka, kailangang i-distract ko ang sarili ko kasi pag mag-isa ako, mas malulungkot, di ba?”

GROWING PAINS. Sa presscon ng pelikula nilang Can’t Help Falling In Love With You, natanong si Kathryn paano kung nasabay ang tampuhan nila ni Daniel sa ginagawa nilang pelikula o teleserye.

Ayon sa young actress, “Nakakatulong naman po parati, pag may ganyang pagkakataon. 

“Yung magkaaway kami, magkaaway naman po kami sa scene kaya nakakatulong.

“Etong si Direk Mae [Cruz Alviar], sinabi niyang mag-usap na kayo… mahirap siya, pero maayos siya. 

“Ang hirap kapag naapektuhan lahat kasi naapektuhan ng mood namin.”

Katabi nina Daniel at Kathryn si Mae, na isa ring witness sa naging tampuhan ng dalawa.

Kuwento ng direktor, “It’s one of those, bata pa sila, e, nagkaanuhan lang, ’Focus, tulungan mo naman ako.’ 

“Parang ganun lang ata nagsimula lahat, tapos biglang ayaw nang mag-usap ng dalawa.

“E, may hinahabol kang oras. Parang nanay ka rin lang din, mommy slash director.

“Sabi ko lang, ‘Mag-usap kayo, utang na loob, ending ito.’ Ganun lang talaga.

“It’s normal, very normal yung tampuhan, nangyayari pa rin.

“Pero how they handle it now, ganun pa rin, pero nagbago na. 

“Noon, it’s how they handle it na parang nagkakainisan na bata. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba na ngayon na parang they really talk na.

“Alam mo na, they’re quiet, pero hindi na kagaya noon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN