Aiza Seguerra reveals what she used to do every Easter Sunday

IMAGE Noel Orsal

Aiza Seguerra on those interested to get her in gigs as a singer: "Bukas pa po ang tindahan ko. Utang na loob, kuhanin niyo po ako. Kailangan kong rumaket kasi, unang-una, hindi tayo corrupt. Kailangan kong buhayin ang pamilya ko, dalawa pa 'yan."


May panata pala ang chairperson ng National Youth Commission na si Aiza Seguerra tuwing Semana Santa na matagal na raw niyang ginagawa.

Nabanggit ng partner niyang si Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tuwing Semana Santa raw ay pumupunta sila ng Villa Escudero para maging bahagi sa mga tradisyon ng pamilya Escudero pagsapit ng Holy Thursday hanggang Easter Sunday.

Ayon kay Liza, “Si Aiza, may panata na 23 years na niya ginagawa, na pumupunta sa Villa Escudero.

“Mga seven years old pa lang siya, gumaganap siyang anghel na bumaba sa Salubong kapag Easter Sunday.

“Ngayon ay kumakanta siya.

“Every year yun, talagang walang paltos.

“So, definitely, this week, yun din ang gagawin namin.”

Ibinahagi naman ni Aiza na nakilala niya ang pamilya Escudero sa Quezon nung bata pa siya nung nag-shooting siya ng pelikulang Aswang (1992).

Lahad niya, “Dun nag-start ang friendship with them hanggang sa lumago na nang lumago.

“Dati, ginagawa ko yung mag-anghel.

“Nahulugan ko ng tsinelas yung birhen kaya pinatigil na ako.

“Nung sinabit kasi ako nun, nahulog ko yung tsinelas! ‘Saan yung tsinelas?’ Ayun, nahulog sa birhen!”

Sa pagkaalala niya, mga tatlong taon lang daw siyang nag-anghel tuwing Salubong dahil bumibigat na raw siya.

Hindi na raw siya kinakaya ng kawayan na sinasabitan niya. Kaya kumakanta na siya.

Kasama raw niya ang Mommy Caring niya at hanggang ngayon ay ginagawa nila ito dahil nakaugalian na nila ito tuwing Holy Week.

“Ngayon, I don’t sing anymore, but I still go there kasi parang naging nakagawian na talaga, e.

“Parang pamilya na talaga yung mga Escudero.

“So, parang panata na rin na, every Holy Week, ganun pa rin kahit hindi na ako nag-participate.

“It’s more of naging part of the family. Kasama sina Mama,” saad ni Aiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SINGING CAREER. Marami raw dapat ipagpasalamat si Aiza ngayon sa Diyos, dahil maayos naman daw ang bagong responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte, bilang chairperson ng National Youth Commission.

Pero gusto pa rin pala ni Aiza na maipagpatuloy ang career niya sa pagkanta.

Nababawasan lang daw ngayon ang pagkakanta sa mga gigs dahil sa dami ng ginagawa niya sa NYC.

Pero gusto niyang iparating sa lahat na tuloy pa rin ang kanyang singing career.

Saad niya, “Bukas pa po ang tindahan ko.

“Utang na loob, kuhanin niyo po ako.

“Kailangan kong rumaket kasi, unang-una, hindi tayo corrupt.

“Kailangan kong buhayin ang pamilya ko, dalawa pa ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN