PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Max Collins gets a surprise Paris trip from BF Pancho Magno this Holy Week

Max Collins spends the Holy Week with boyfriend Pancho Magno in Paris.
by Rose Garcia
Published Apr 15, 2017
Max Collins on Paris trip with boyfriend Pancho Magno: "Alam niya kasi na gusto ko talagang mag-Europe. Sabi ko lang Europe, Paris ang naisip niya. So, nakakatuwa na magaling siyang magpa-surprise. Ang layo pa ng levelling kasi Zambales lang talaga ang pinu-propose namin."

Nasa Paris, France ngayon ang Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno.

Ayon kay Max, biglaan lang ang plano nilang sa Paris mag-Holy Week, mula sa orihinal nilang planong sa Zambales lang sana.

“Kasi, kapag nag-end na ang show niya, baka magsimula na ang show ko. So, wala kaming bakasyon.”

Ang tinututukoy ni Max ay ang kasalukuyang telefantasya ni Pancho sa GMA Network, ang Encantadia.

Siya naman, magsisimula na ang weekly series nila ni Mikael Daez na Alex and Amie.

Patuloy ng Kapuso actress, “E, baka hindi magkatugma ang schedules namin, kaya ito lang talaga ang time namin na makapagbakasyon.

“Sabi ko rin actually, ‘Zambales ba tayo? Baka maraming tao ang pupunta dun sa Holy Week.’

“Tapos sabi niya, he wants something cold.

“So, yun, sinurprise niya ako na mag-Paris na lang.”

PANCHO’S SURPRISE. Pareho rin daw nilang first time sa Paris.

“Super happy siyempre,” sambit ni Max sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam niya kasi na gusto ko talagang mag-Europe.

“Sabi ko lang Europe, Paris ang naisip niya.

“So, nakakatuwa na magaling siyang magpa-surprise.

“Ang layo pa ng levelling kasi Zambales lang talaga ang pinu-propose namin.”

Baka naman ‘kunwari’ lang kay Pancho na Zambales para hindi siya makahalata?

Ayon kay Max, “Hindi, totoo talaga, kasi may Viber group kami. Kasama sana namin ang mga kaibigan niya.”

Magkaiba raw sila ng gustong lugar.

Mas gusto ni Max ang maiinit na lugar, tulad sa beach, dahil lamigin siya. Si Pancho naman, gusto sa malalamig na lugar.

Kuwento pa ng aktres, “Tinanong niya ako if ever kung saan ko raw gustong pumunta—Maldives o Spain.

“Noong nag-search siya, mainit daw, kasi pa-summer na.

“Doon pumasok ang idea na, ‘What about Paris? What about London?’

“Sakto lang din, Beauty and the Beast, French.

“So, sakto lang din ang time frame.”

Dahil baka wala na raw silang makuhang schedules sa mga trabaho nila, kaya kahit isang linggo lang ay tumuloy na ang dalawa sa Paris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa Paris lang din talaga kami, hindi na kami lilipat ng ibang places.

“Kasi halos five days lang din kami. Yung two days namin, sa biyahe na.

“So, dun lang kami, hindi na kami lilipat. Para ma-enjoy lang din namin ang place talaga.”

#ILouvreYou ????

A post shared by Max Collins (@maxcollinsofficial) on

HOLY WEEK. Bilang isang born-again Christian, naniniwala si Max sa observance ng Holy Week.

Wala raw siyang mga tradisyon na sinusunod katulad ng iba. Pero sinisigurado niyang may oras siya para sa Panginoon kahit na nasa bakasyon siya.

Pahayag ni Max, “Sa totoo lang, I wouldn't say it's tradition. Pero nagdarasal ako every day.

“Kahit na nasa bakasyon ako, I still remember Lord during those times at hindi ko nakakalimutan na blessing lahat yun, yung nakakapagbakasyon ako.

“Kasi, sa trabaho natin, sa showbiz, yun lang ang time para magbakasyon.

“So instead of usually staying home or minsan spending time with family, if we can travel, I still make sure to have time with prayers.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Max Collins on Paris trip with boyfriend Pancho Magno: "Alam niya kasi na gusto ko talagang mag-Europe. Sabi ko lang Europe, Paris ang naisip niya. So, nakakatuwa na magaling siyang magpa-surprise. Ang layo pa ng levelling kasi Zambales lang talaga ang pinu-propose namin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results