Filipino composer Willy Cruz dies at 70

IMAGE Jungee Marcelo's FB / File

Willy Cruz, composer of OPM classics "Bituing Walang Ningning," "Pangarap Na Bituin," "Never Say Goodbye" is dead at 70. 


Pumanaw na ang kilalang kompositor na si Willy Cruz.

Siya ay si Wilfredo Buencamino Cruz sa totoong buhay.

Sumakabilang-buhay si Willy dakong ala-una ng madaling-araw ngayong umaga, April 17.

Siya ay 70-anyos.

Hindi pa tukoy kung ano ang sanhi ng kanyang pagpanaw.

Nakilala si Willy sa mga likha niyang kanta, na naging theme songs ng maraming sikat na pelikula at siya namang lalong nagpasikat sa kagaya nina Nora Aunor, Sharon Cuneta, Hajji Alejandro, Nonoy Zuñiga, at Pilita Corrales.

Ang ilan sa mga klasikong kantang nilikha niya ay ang mga sumusunod: “Bituing Walang Ningning,” “Pangarap Na Bituin,” “Never Say Goodbye,” “May Minamahal”...

"Sana’y Wala Nang Wakas,” “Doon Lang,” "Sana Maulit Muli," "Init Sa Magdamag," "Kung Mahawi Man ang Ulap," at "Sana’y Maghintay Ang Walang Hanggan."

Sunud-sunod naman ang pagpu-post sa social media ng kilalang local performers upang ihayag ang kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ng isa sa mga itinuturing na institusyon ng local music industry.

Kabilang dito sina Lea Salonga, Jim Paredes, Jed Madela, Jungee Marcelo, at Ogie Alcasid.

Isinilang si Willy sa San Miguel, Maynila, noong January 30, 1947.

Nagsimula siyang mag-compose ng mga kanta para sa TV commercials at pelikula noong ‘70s, at higit na nakilala noong 1975 nang manalo ng 1st Prize sa World Popular Song Festival ang kanyang likhang “Araw-Araw Gabi-Gabi.”

Ginawaran siya ng Hall of Fame ng FAMAS noong 1989 dahil sa limang beses na pagkapanalo sa musical scoring.

Sariwain ang kanyang musika sa video sa ibaba:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN