PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas says Marian, Bossing Vic, Ate Vi will be part of her wedding entrourage

Ai-Ai delas Alas plans to marry fiancé Gerald Sibayan "late 2018."
by Gorgy Rula
Published Apr 18, 2017 | Updated Apr 17, 2017
Ai-Ai delas Alas on wedding proposal of her boyfriend Gerald Sibayan: "Siyempre nae-excite ako kasi, una sa lahat, hindi ko pa alam kung ano ang hitsura ng singsing. Saka hindi ko talaga alam kung ilang gives yun at ilang taon niya pinaghirapan yun."

Wala pang napipiling petsa si Ai-Ai delas Alas at ang kanyang non-showbiz fiancé na si Gerald Sibayan para sa kanilang kasal.

Pero bago pa man ang engagement nila noong nakaraang linggo, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa contract signing ng bagong endorsement niyang Natural Blend Coffee.

Naibahagi niya ritong excited na siya sa sinasabi ni Gerald na pinaghahandaan na nito ang singsing na ipapasuot sa kanya kapag nag-propose na ito.

Masayang kuwento ng Kapuso comedienne, “Matagal na raw yung singsing niya nakahanda.

“Sabi ko nga sa kanya, 'Ilang gives ba yung singsing mo?'

“Napakatagal hinintay! Mahal yung singsing, e, hinuhulug-hulugan niya.

“‘Ilang gives ba ‘yan?’

“‘Basta matagal, huwag mo nang tanungin!’”

Sinasabi raw sa kanya ni Gerald na gusto siyang i-surprise nito at tiyak na maiiyak siya dahil matagal nitong pinaghandaan ang singsing na yun.

Ayon kay Ai-Ai, “Siyempre nae-excite ako kasi, una sa lahat, hindi ko pa alam kung ano ang hitsura ng singsing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Saka hindi ko talaga alam kung ilang gives yun at ilang taon niya pinaghirapan yun.”

Read: Ai-Ai delas Alas says "yes" to Gerald Sibayan's marriage proposal

WEDDING PLANS. Sa panayam ding iyon ay natanong namin kay Ai-Ai kung kailan nila gustong magpakasal ni Gerald.

Sagot niya, “Baka late pa ng 2018. Baka birthday ko.

“Pareho kaming November, baka isabay sa birthday ko o birthday niya.”

Si Ai-Ai ay magdiriwang ng kanyang 54th birthday sa November 11, 2018.

Habang si Gerald ay magtu-24th birthday sa November 30, 2018.

WEDDING ENTOURAGE. Naiisip na rin daw ni Ai-Ai ang bubuo sa wedding entourage dahil napag-usapan nila ito minsan ni Marian Rivera.

Nangako na raw si Marian sa kanyang sagot nito ang wedding gown at pati ang bouquet.

“Isa rin siya sa abay. Ang dami niyang partisipasyon.

“Sabi niya, siya na raw lahat!” natatawang sabi ni Ai-Ai.

Mga malalapit naman daw niyang kaibigang mag-asawa ang bubuo sa secondary sponsors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Marian nga raw at ang mister nitong si Dingdong Dantes, sina Vic Sotto at Pauleen Luna, at sina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinam.

Ayon kay Ai-Ai, “Naisip ko yung mga mag-asawa.

“Parati kong sinasabing ‘Bossing, abay ka, ha? Pero ang bigay mo, pang-ninong!’” patawa niya uli.

May mga naiisip na rin daw siya kung sino ang mga kukunin nilang ninong at ninang.

“Siyempre si Ama [Boy Abunda]. Sabi niya, ‘Hindi ako magpapatalo sa ‘yo. Maganda ang outfit ko.’

“Si Mother Lily [Monteverde], si Ate Vi [Congresswoman Vilma Santos-Recto], tapos yung iba politicians.

“Sa isip ko pa lang yun. Hintayin ko muna yung singsing, hindi ko lang alam kung ano ang hitsura,” saad ni Ai-Ai nang nakausap namin siya ilang linggo bago nag-propose sa kanya si Gerald.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on wedding proposal of her boyfriend Gerald Sibayan: "Siyempre nae-excite ako kasi, una sa lahat, hindi ko pa alam kung ano ang hitsura ng singsing. Saka hindi ko talaga alam kung ilang gives yun at ilang taon niya pinaghirapan yun."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results