Mikoy Morales admits four-year relationship with Thea Tolentino

IMAGE Noel Orsal

Mikoy Morales finally admits relationship with Thea Tolentino: "Hindi naman talaga namin itinatago ni Thea yung relasyon namin. It just so happened na noong maging kami, she was being built up na may loveteam noon, si Jeric Gonzales, kasi sila yung winners ng Protégé. Naging official lang kami ni Thea noong nag-debut siya."


Masaya ang Kapuso singer-actor na si Mikoy Morales dahil hindi na nila kailangang itago pa ng kanyang girlfriend na si Thea Tolentino ang kanilang relasyon.

Apat na taon nang may relasyon sina Mikoy at Thea.

Nagsimula ang lahat nang maging close sila sa reality competition ng GMA-7 na Protégé: The Battle For The Big Artista Break noong 2012.

Si Thea ang unang umamin kung gaano na sila katagal ni Mikoy bilang magkarelasyon.

Pahayag ni Mikoy, “Hindi naman talaga namin itinatago ni Thea yung relasyon namin.

“It just so happened na noong maging kami, she was being built up na may love team noon, si Jeric Gonzales, kasi sila yung winners ng Protégé.

“Naging official lang kami ni Thea noong nag-debut siya.

“Kami kasi ni Thea ang naging close talaga noong nasa Protégé house pa kami and nasasakyan namin ang ugali ng isa’t isa.

“Kaya noong magkaroon kami ng feeling for one another, yun na 'yon.

“Ayaw lang naming lagyan ng label ang relationship namin noon dahil iba ang pinatutunguhan ng career niya at iba rin ako.

“Baka hindi kami magtagal, kasi nga she’s being paired with other actors.

“Pero, thank God, umabot din kami sa apat na taon.

“Proud ako to be in a relationship with her.”

Maynila tomorrow at 9:40 am. #MikheaonMaynila

A post shared by Mikoy Morales (@mikoymorales) on

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikoy sa press launch ng D’Originals sa GMA Network Center bago mag-Holy Week.

PERSONAL DIFFERENCES. Ayon kay Mikoy, minsan na rin silang naghiwalay ni Thea dahil sa mga personal na bagay na hindi nila napagkakasunduan.

Inamin din ni Mikoy na masyado siyang sensitive, samantalang si Thea ay selosa naman.

“Kaya kapag napapanood ko si Thea sa Destined To Be Yours as Trish, especially yung mga selos na eksena, parang hindi na siya umaarte nun.

“May ganung personality si Thea in real life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya minsan biniro ko siya, ‘Uy, napanood ko yung isang scene mo. Parang nakita ko na yun. Hindi nga lang si Alden Richards ang kaharap mo!’

“Natatawa na lang si Thea kasi something like that really happened sa amin.

“Sa mga nakakakilala kay Thea na tulad ko, they know what I mean.

“Si Thea kasi maraming layers ang personality niya.

“Minsan bigla na lang siyang may sasabihin na magugulat ka. Something na very unlike her.

“Kaya siguro doon niya nahuhugot ang pagiging magaling na artista niya,” saad ni Mikoy.

NOT MEDDLING WITH THEA'S CAREER. Pagdating sa mga ginagawa ni Thea sa career nito, hangga’t maaari ay ayaw makialam ni Mikoy.

Saad niya, “Like yung pagsuot niya ng sexy na swimsuit sa teleserye, desisyon na ni Thea yun.

“Pero kung ako ang tatanungin, ayoko na gagawin niya yun.

“Kaya mas gusto ko yung mapapanood ko na lang at hindi na niya ipapaalam sa akin.

“Doon kasi lumalabas ang pagiging sensitive ko.

“As her boyfriend, sino ba naman ang gustong makita ang girlfriend mo na ganun ang suot sa harap ng ibang lalaki, di ba?

“So, dumaan din kami ni Thea sa ganyang hindi kami nagkakasundo sa ilang bagay.

“But now, mas open-minded na ako.

“Medyo nabawasan na ang pagiging sensitive ko.

“Para na rin iyon sa ikagaganda ng relasyon namin ni Thea.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN