Nanguna si President Rodrigo Duterte sa 2017 TIME 100 poll para sa Most Influential People.
Sa nasabing poll, consistent si President Duterte sa pangunguna.
Nakuha niya ang five percent ng kabuuang “yes” votes sa nasabing botohan.
Ayon sa website ng TIME, ang iba pang world leaders at prominent personalities, kagaya nina Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Pope Francis, Bill Gates, at Mark Zuckerberg, ay nakakuha lamang ng three percent ng kabuuang “yes” votes.
Nakabilang din sa poll sina Russian President Vladimir Putin, US President Donald Trump, at Hollywood stars Viola Davis at Emma Stone.
Nagsara ang botohan nitong Linggo, April 16.
Nang maupo bilang Pangulo noong June 2016, naglunsad ng agresibong kampanya si Duterte laban sa ilegal na droga.
Sinasabing naging dahilan ito ng higit 7,000 kaso ng diumano’y extra-judicial killings sa bansa.
Bunsod nito, naging center of attention ang Pilipinas sa international media.
