Mike Enriquez admits DZBB is second only to DZMM

IMAGE Noel Orsal

Hindi nag-atubiling inamin ni Mike Enriquez na sa ngayon ay pumapangalawa lamang ang pinamumunuan niyang radio station na DZBB sa mahigpit nitong kalaban na DZMM. Pero minsan ay nagna-number 1 din daw sila.


Matindi rin daw ang kumpetisyon sa radyo katulad sa telebisyon.

Ito ang inamin ng presidente ng RGMA (Radio-GMA) at Saksi Sa Dobol B ng DZBB anchor na si Mike Enriquez.

Sa isang intimate lunch kasama ang ilang entertainment editors, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ngayong Lunes ng tanghali, April 17, inamin ni Mike na katulad din sa network wars ang labanan sa radyo.

Aminado rin si Mike na pumapangalawa lamang ang DZBB sa kanilang pinakamahigpit na kalaban.

Walang kagatul-gatol niyang sagot sa tanong ng PEP kung ano ang No. 1 radio station sa bansa: “DZMM. Number one sila, number two kami. Sometimes, number one kami.”

Pero may pagkakataon naman daw na neck-and-neck ang labanan nila ng AM radio station ng ABS-CBN.

Ayon pa kay Mike, ang DZMM at DZBB ay lamang sa iba pang radio stations sa buong bansa dahil ang kanilang anchors ay mga TV personality rin.

Kasamang humarap ni Mike sa media sina Arnold Clavio, Joel Reyes Zobel, at Ali Sotto upang ipaabot ang magandang balita na simula April 24, mapapanood na rin ang kanilang mga programa sa GMA News TV.


DOBOL B ON FREE TV.  Ipinagmalaki ng mga bigating Kapuso radio hosts na sa free TV sila mapapanood at hindi na kailangan pang maging cable subscribers.

Kabilang sa radio shows na ipalalabas sa free TV mula alas-6 hanggang alas-11 ng umaga araw-araw ay ang Saksi sa Dobol B (Mike Enriquez), Super Balita sa Umaga Nationwide (Mike at Joel Reyes Zobel), Sino? (Arnold Clavio, Ali Sotto, at Mike) at Dobol A sa Dobol B (Arnold at Ali).

Wala naman daw magbabago pagdating sa kanilang programa dahil ang pagkakaiba lang ngayon ay mapapanood na ang ginagawa nila sa radio booth.

Matagal na raw request ng solid listeners ng DZBB na mapanood naman sila sa telebisyon, kaya matapos ang ilang meetings at consultations, mapagbibigyan na nila ang kahilingan ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN