Does Jericho Rosales want to become an actor in his next life?

IMAGE Noel Orsal

Jericho Rosales: "Hindi alam ng tao kung gaano ang pinagdaanan ko sa life. What people see… people think they know me, but I've been through so many things in life. I'm not saying na parang horrible, but I can say it's super colorful."


“Puwede ba na maging Spiderman na lang?”

Ito ang sagot ni Jericho Rosales nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung gugustuhin pa ba niyang maging artista, kung totoong may second life.

Patuloy niya, “You know, my life is very colorful.

“Half of my life, hindi alam ng tao kung gaano ang pinagdaanan ko sa life.

“What people see… people think they know me, but I’ve been through so many things in life.

“I’m not saying na parang horrible, but I can say it’s super colorful.”

Kuwento pa ni Jericho, “One time, in-offer ako na mag-MMK, I said no.

“It will not give justice or a life story. No, it cannot… Parang kulang, e.

“I know everyone has a story, but ang hirap ng life na ‘to, men! Ang hirap ng showbiz, ang hirap ng acting.

“If papipiliin mo ako ng next lifetime ko, kung puwede lang, surfer lang ako na may motor, tapos super healthy ako, all the way.”

Nakausap ng PEP si Jericho sa set ng kanyang bagong pelikula, ang LuckAt First Sight.

KIM JONES. Kung mayroon naman daw siyang gustong ulitin sa buhay niya, ito ay ang pagdating ng kanyang misis na si Kim Jones.

Saad ng Kapamilya actor, “Sometimes I forget how lucky I am.

"And then, when I get reminded how amazing she is, nagigising ulit ako, in terms of like... kapag sobrang busy ko lang, ‘Men, you have a great wife,’ parang ganoon.

“They don’t know what Kim does to make me feel like this. She’s just so amazing.

“I still have insecurities, lahat naman, and the best way to deal with it is always try to be a better person.

“Kim is a big factor in my life… sa mga achievement ko kung sino ako, kung ano yung ipinagbago ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marriage definitely helped me become a better person.

“Ngayon, may idea na ako kung ano ako dahil lagi siyang ipinakikilala ni Kim.

“It’s nice to be open and humble.

“Para sa akin, yun lang ang paraan para maging better person.”

Diin ni Jericho, “I’m so blessed to have Kim.”

SON SANTINO. Bukod kay Kim, ang anak niyang si Santino ang isa sa mga inspirasyon ni Jericho.

Pero hindi raw ito interesadong sundan ang kanyang yapak sa showbiz.

Pahayag ni Jericho tungkol kay Santino, “We have a good relationship.

“Of course, kapag kinakailangan na mag-tatay kami, mag-tatay kami. Kapag magkaibigan kami, magkaibigan kami.

“I always wanna be there and guide him, share whatever I learned in life, sa kanya.

“He’s one of my best buddies.

“Para sa akin, gusto ko siya kasama lagi. Nagha-hang out, you know.

“Lagi kaming nag-e-enjoy ako kapag kasama ko siya. Masaya kaming dalawa.”

Like father,like son and i love it! #TalasManileño #CubaoX

A post shared by Jericho Rosales (@jerichorosalesofficial) on

Patuloy niya, "Mahilig siya sa film, nagki-criticize kami ng film, nagki-criticize kami ng mga kung anu-anong bagay. Nagpe-praise kami ng kung ano-anong bagay.

“Yun ang pagkakaiba namin; ang mundo niya, sports.

“Even yung commercial naming dalawa, I had to explain to him.

"I had to make him understand ano yung… ‘Gusto mo ba ito or ayaw mo?’ He made the decision.

“First, I had to explain, and then he made the decision.

“He saw the importance of the project.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN