Ali Sotto reveals reason why she prefers doing radio over TV

IMAGE Courtesy: @alisotto on Instagram

Ayon kay Ali Sotto, may offers naman sa kanyang magbalik-telebisyon, pero mas gusto niya ang pagra-radyo dahil may 'sense of fulfillment' daw ito para sa kanya.


“By choice.”

Ito ang paglalarawan ni Ali Sotto sa kanyang lagpas isang dekada nang pagtatrabaho sa radyo.

Si Ali ang co-anchor ni Arnold Clavio sa programang Dobol A Sa Dobol B sa DZBB ng RGMA (Radio-GMA).

Your early morning habit " Dobol A sa Dobol B"

A post shared by Ali Sotto (@alisotto) on

Unang nakilala si Ali bilang isang singer gamit ang screen name at tunay niyang pangalan na Aloha.

Nang mag-asawa siya at naging TV host ay ginawa niyang Ali Sotto ang kanyang screen name.

Lalo siyang nakilala nang i-host niya ang dating morning program ng GMA Network na Katok Mga Misis.

Pahayag ni Ali tungkol sa pagiging radio host, “What you say matters. It’s very fulfilling.

“Wala na akong pinagpaaral na anak, wala na akong binayarang rent, monthly amortizations.

"Unlike before, when I was doing acting, I am a single mom.

"I had two kids to raise and my son Miko passed away, si Chino got married in October.

“So financially, wala akong pressure to earn that much.”

Sina Miko at Chito ang dalawang anak ni Ali sa kanyang dating asawa na si Maru Sotto. 

Namatay si Miko noong 2003 nang aksidente itong mahulog sa isang condominium building.

Ayon kay Ali, di hamak na mas malaki ang kinikita niya sa TV noon kaysa sa pagra-radyo.

Pero mas nagagawa raw niya ang mga bagay na gusto niyang gawin ngayong may life-work balance siya.

“E, alam mo namang ang suweldo sa radyo, isang araw mo lang sa acting.

“So now, gusto mo na may meaning na yung ginagawa mo. By choice na yung ano...

"Of course my offers pa din to do teleserye, pero alam mo yung life-work balance din na at 11 o’clock, tapos na ako ng trabaho.

"I can do other things na mas domesticated… grocery, mag-gym.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling entertainment editors si Ali sa presscon ng Dobol B sa News TV ngayong Lunes, April 17, sa 17th floor ng GMA Network Center, sa Timog Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Dobol B sa News TV ay ang sabayang pagpapalabas sa radyo at telebisyon ng apat na morning programs ng DZBB sa GMA News TV, simula alas-6 hanggang alas-11 ng umaga araw-araw, simula April 24.

Ang mga nasabing programa ay ang Saksi sa Dobol B (Mike Enriquez), Super Balita sa Umaga Nationwide (Mike at Joel Reyes Zobel), Sino? (Arnold Clavio, Ali Sotto, at Mike) at Dobol A sa Dobol B (Arnold at Ali).


Stories We Are Tracking

Mike Enriquez admits DZBB is second only to DZMM
Mike Enriquez admits DZBB is second only to DZMM

“POWER TO EFFECT CHANGE.” Dagdag pa ni Ali, nagagamit niya ang kanyang boses upang ipalaganap ang women empowerment at ang punahin ang mga maling gawain ng mga namamahala sa gobyerno.

“Ang radio, may fulfillment ka because you have the power to effect change.”

Sa pag-arangkada ng Dobol B sa News TV simula sa susunod na linggo, aminado si Ali na kahit tamad na tamad siyang mag-make-up o mag-ayos, kailangan niyang gawin ito alang-alang sa listeners nila.

Dagdag niya, “At ang challenge dun is, yung mga nakikinig sa 'yo [ay mga] taxi drivers, nagkakaliskis ng isda, ito talaga yung mga tao na gusto mong kausapin.

"Kasi puwede ka namang sumulat ng column in English, but who’s gonna read it?

“But then again, here’s the opportunity to reach out to more people.

"Yung wider yung reach, yung mensahe mo na gusto mong maiparating, and you have voice and people listen to you and you make a difference.

"Mas marami ngayong makakarinig sa 'yo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN