Renan Morales reacts to "super-use-me-in-a-sentence" statement by Kris Aquino

IMAGE Screen grab from Bespren Foundation FB / Kris Aquino Instagram

Nueva Ecija Councilor Renan Morales posted a video message on Facebook to clarify allegations made by TV host-actress Kris Aquino about working with him and his mother, Rhodora Morales, for her TV special #TripNiKris.


Naglabas ng video message si Nueva Ecija Councilor Renan Ponce Morales bilang sagot at paglilinaw sa mga pahayag ni Kris Aquino tungkol sa kanya at sa ina niyang si Rhodora Morales.

Si Mrs. Morales ang nag-produce ng TV special ni Kris na #Trip Ni Kris, na umere sa GMA Network noong April 9.

Sa exclusive interview ni Kris na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 10, pinabulaanan ng TV host-actress ang balitang nag-uugnay sa kanila ni Renan.

Sinabi rin ni Kris na “super na-delay” ang bayad sa ginawa niyang TV special.

Pakiramdam nga raw ni Kris ay “super nagamit” siya ng mag-ina.

Kahapon, April 17, sa pamamagitan ng isang video message na tumagal ng 7 minutes and 20 seconds, sinagot ni Renan ang mga alegasyon ni Kris at ilang reports na lumabas sa tabloids.

Nai-post ang nasabing video sa Facebook account ng Bespren Foundation.

Unang pinabulaanan ni Renan ang naisulat ng entertainment editor ng Pang-Masa na si Salve Asis sa kanyang column na may headline na “Anak ng produ ng Trip... Kris in love na raw sa car racer na ex ng mga sexy star.”

Ang kinowt dito ni Salve ay ang beteranang talent manager na si Lolit Solis—na kinu-quote naman ang usapan nila ni “Madam Doray Morales”—na nililigawan na raw ni Renan si Kris.

Isinulat din ni Salve sa kanyang column: “Ito rin palang si Mister Renan ang nagpadala ng flowers and balloons kay Kris na ibinintang noon kay QC Mayor Herbert Bautista.”

Itinanggi ni Renan na sinabi niyang in love sa kanya si Kris.

Pahayag niya, “Regarding sa comment ng isang diyaryo na nakalagay dun na sinabi ko daw na si Kris is in love with me, never ko pong sinabi yun ever.

“At kahit po totoo man ito, hindi po kayang sabihin ng konsensiya ko ang mga ganitong bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s very inappropriate para magsabi ako ng mga ganitong bagay.

“Noon pong nag-meet ang family namin and si Miss Kris, sobrang casual, very friendly. Ang ganda ng usapan namin.

“And, of course, nung nakuha na namin siya as an actress, nung nag-sign up siya with us, si Miss Kris naman, normal na pinapadalhan siya ng flowers, normal na pinapadalhan siya ng balloons ng lahat ng fans, ng lahat ng mga producer niya.

“Kapag nagkasakit si Miss Kris, maraming dumarating sa kanya."

Patuloy ni Renan, “So the moment po na nagkaroon kami ng business, nagkaroon kami ng agreement, so naging ano na po kami, nagkaroon kami ng harmony, may relationship na po na na-build, yung The Ultimate team and yung grupo ni Miss Kris.

“All-out support kami and open po sa public kasi ipinu-post naman ito ni Miss Kris.”

Ang Ultimate Production ang kumpanyang nag-produce ng ng TV special ni Kris.

SUPER-USE-ME-IN-A-SENTENCE. Tila pinagdudahan pa ni Renan kung totoo nga bang kay Kris mismo nanggaling ang mga katagang "super-use-me-in-a-sentence" upang ilarawan ang pakikipagtrabaho niya kay Mrs. Morales at sa anak nitong konsehal.

Saad ni Renan, “Actually po, siyempre nagulat lang po kami na merong ganoong isyu na ‘super-use-me-in-a-sentence.’

“Hindi ko po… kasi po, hindi ko alam kung talagang siya ang nagsabi nito.

“Nagtataka po ako kung nasabi ito ni Miss Kris kasi napakaganda po ng relationship ng mom ko and ni Kris.

“And talagang ang mommy ko, sobrang naniniwala siya about the show.

“And talagang ginawa niya, nagpursige, nagpagod po ang lahat ng team para mabuo itong #TripNiKris na show.

“Kaya po itong ‘use me’ na sinasabi ni Miss Kris… in general po ba ito na nagamit siya?

“Of course,” patuloy niya, “siyempre nung hinire namin siya professionally as an actress, okay, para i-feature yung magagandang lugar sa Philippines.

“Number one nga po, ipinromote namin yung Nueva Ecija, since kami nga po ay taga-Nueva Ecija.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, in behalf of the whole Nueva Ecija, gusto naming ipakita sa buong Pilipinas na ang Nueva Ecija, e, meron nang tourism.

“Meron po kaming masasarap na pagkain at meron pong magagandang tanawin, kung sinong pumunta sa aming bayan, at maraming-marami pa kami na gustong i-feature doon.

“So, kaya dun sa nagamit po siya, I believe, siguro sinabi niya yun because of the fact na may mga tsismis na lumabas na nali-link kaming dalawa.

“So, yun po yung sa tingin ko na sinasabi ni Miss Kris.”

Bukod sa pagiging konsehal ng Nueva Ecija, si Renan ay isa ring eight-time Formula 3 winner.

Na-link din siya noon sa sexy actresses na sina Andrea del Rosario, Juliana Palermo, at Jeni Hernandez.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino's new mystery guy revealed
Kris Aquino's new mystery guy revealed
Kris Aquino shuts down rumors linking her to councilor
Kris Aquino shuts down rumors linking her to councilor
Kris Aquino issues public apology to<em> Trip Ni Kris</em> producer
Kris Aquino issues public apology to Trip Ni Kris producer
<em>Trip Ni Kris</em> producer mum about Kris Aquino's allegations
Trip Ni Kris producer mum about Kris Aquino's allegations

DELAYED PAYMENT. Ipinakita naman ni Renan ang mga resibo mula kay Kris bilang patunay na hindi delayed ang bayad nila sa TV host-actress para sa #Trip Ni Kris.

Pahayag niya tungkol dito, “Dun sa sinabi ng PEP na sinabi ni Miss Kris na nade-delay kami sa bayad, kasi, eto, ipapakita ko sa inyo...

"In behalf of the whole Ultimate team, ito po yung full payment namin kay Miss Kris, February 27.

“Eto po, kung makikita ninyo, Feb. 27, nagbayad po kami sa kanya.

“And then, March 30, 2017, nagbayad po kami sa kanya and full payment po ‘yan.

“Nakalagay, resibo po ito ni 'Kristina Bernadette Aquino,' kaya sa tingin ko, hindi niya sinabi na nade-delay kami ng bayad.

“Lahat po ito before... April 9 po yung airing, ito po March 30.”

Naganap ang phone interview ng mismong editor in chief ng PEP na si Jo-Ann Q. Maglipon kay Kris Aquino noong April 7, Biyernes.

PRESS CONFERENCE. Nagpaliwanag din si Renan tungkol sa sinabi ni Kris na nagpa-presscon silang mag-ina para sa TV special niya ngunit hindi siya kasama.

Saad niya, “With regards to sa press conference na ginawa namin sa Club Filipino, ilang times kaming nag-try na i-invite si Miss Kris, nakailang times din kami na nagpalit-palit ng date para lang ma-accommodate namin si Miss Kris, kaya pinush through na lang namin yung press conference.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dun sa press conference, wala kaming sinabi doon. Puro papuri lang kay Miss Kris, puro…

“Kailangan kasi namin si Miss Kris, bakit namin siya aawayin doon?

“Siya nga yung kailangan namin dun. Hindi naman…

“We’re asking help from Miss Kris, kasi siyempre yung The Ultimate Production, bago lang kami. Gusto namin na…

“Sabi namin kay Miss Kris, ‘Miss Kris, ano, tulungan mo din kami na ma-i-push namin para makahanap kami ng maraming sponsors. Para mai-push namin yung show mo.’

“So, ang hinihiling lang namin kay Miss Kris, tulungan niya kami.”

May mensahe rin si Renan sa mga taga-media.

“Sana po tulungan niyo po kami na yung totoo lang po sana yung lumabas.

“Na maging pantay po naman sana sa lahat po ng mga nababalita.

“Alam ko po na matutulungan niyo po both sides na mapaayos po yung mga lumalabas na balita.

“Sana nga po, itong video na ‘to, kung lumabas man, e, huwag po sanang ma-edit.

“Huwag po sanang mabigyan ng kulay na hindi maganda dahil ang purpose po ng video na ito is para lang ma-clear lang po yung nakalagay doon na na-delay kami sa bayad.

“At the same time, nagamit po namin si Miss Kris para lang sa personal use. Hindi po yun ang purpose namin.

“Although hindi po totoo lahat nung lumalabas na balita na sinasabi nila sa amin, tinatanggap pa rin po namin yung apology ni Miss Kris.

“Mataas po ang respeto ko kay Miss Kris kaya po good luck po kay Miss Kris sa lahat ng gagawin niya.”

Ayon pa kay Renan, “Humihingi rin po ako ng apology sa lahat po ng fans ni Miss Kris, kay Miss Kris, kung nagkaroon man ng hindi pagkakaintindihan.

“Maraming salamat din po na nagkaroon kami ng chance to work with Miss Kris.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN