Nakaagaw ng pansin ang latest Facebook posts ng aktres na si Sunshine Cruz.
Sa kanyang magkasunod na FB posts ngayong Martes ng hapon, April 18, pinatamaan ni Sunshine ang isang "leader" na hindi raw maayos ang relasyon sa kanyang mga anak.
Walang pangalang binanggit ang aktres, ngunit kapansin-pansin ang paggamit niya ng "he/she" at "his/her" bilang pagtukoy sa taong ito.
Pahayag ni Sunshine sa kanyang unang post: “How can a person be a good leader if he/she can't even fix his/her relationship with his/her children? Support your children always! They did not choose their parents. They deserve all the love and support they need.”

Kasunod nito, sinabi ng Wildflower star na tigilan na sana ng taong tinutukoy niya ang pagkukunwaring matulungin sa kapwa, ngunit hindi magawang maging mabuting magulang sa kanyang mga anak.
“Makes me cringe when this person pretends to help others when he can't even be a good parent to his children. Habang may buhay may pag asa. Praying and hoping you realize why you still exist in this world before it’s too late. Stop being pretentious. Stop deceiving others. People can see through you.”

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng mas malinaw na pahayag si Sunshine kung sino ang kanyang pintatatamaan sa kanyang Facebook posts.
Tugon niya sa amin: “Para sa mga mapagpanggap.”
