Jestoni Alarcon swears he's a one-woman man

IMAGE Noel Orsal

An avowed one-woman man, Jestoni Alarcon has been married for 25 years and happily so. "Basta mahal ninyo ang isa't isa at maayos ang pamilya ninyo, yun na ang forever," he grins.

 


Simula nang mag-asawa ang aktor na si Jestoni Alarcon, hindi siya nabalitaang nangaliwa o nagkaroon ng other woman.

Pero aminado si Jestoni na noong binata pa siya at contract star ng Seiko Films noong ‘80s hanggang ‘90s ay na-link din siya sa iba’t ibang leading ladies niya.

Kabilang na rito sina Gretchen Barretto, Rita Avila, at Rachel Lobangco.

Pero kapag mayroon daw siyang karelasyon noon, stick to one lang siya at hindi tumitingin sa ibang babae.

Pagbabalik-tanaw ng 52-year-old actor, “Never naman akong natawag na babaero or playboy noon, di ba?

“Oo, na-link ako sa mga naging leading ladies ko before. Pero hanggang doon lang yun. After ng movie, wala na.
    
“May pribadong buhay kasi ako noon na hiwalay sa showbiz life ko.

“Kung sino ang karelasyon ko noon, walang masyadong nakakaalam kasi tahimik lang ako noon.

“Unlike ngayon kasi, dahil sa social media, masyadong nae-expose ang mga artista sa kung sino ang dine-date nila.

“Noong mga panahon namin, halos walang nakakaalam unless kami mismo ang magsabi sa press.”

ONE-WOMAN MAN. Nag-celebrate ng kanilang 25th wedding anniversary si Jestoni at ang kanyang non-showbiz wife na si Lizette noong 2016.

Nagpakasal sila noong 1992 at tatlo ang kanilang anak.
    
Pahayag ng aktor, “Nagpapasalamat ako kay Lord na umabot kami ng misis ko sa aming silver anniversary last year.
    
“Hindi naman smooth-sailing ang lahat.

“Dumaan din kami sa ilang mga problema na hindi nawawala sa mga mag-asawa.

“Kumbaga, normal naman ang tampuhan sa mag-asawa.
    
“Kaya heto kami, masaya dahil we survived 25 years of our marriage.
    
“May mga nagsabi sa akin before na dahil sa tagal ng marriage namin ni Lizette, naniniwala sila na may forever.
    
“Basta mahal ninyo ang isa’t isa at maayos ang pamilya ninyo, yun na ang forever.”

FUN WITH JACLYN AND KATRINA. Isang challenge nga raw kay Jestoni ang role niya na cheating husband sa bagong afternoon drama series ng GMA Network na D’Originals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “It’s something new for me kasi never kong na-experience in real life na magkaroon ng number two.

“Kaya noong i-offer sa akin ang D’Originals, tinanggap ko kasi malaking challenge ito sa akin.

“Dito ipinapakita ang mga nangyayari sa buhay mag-asawa, kung papaano nila malalagpasan ang mga challenges at tukso sa buhay.”

Si Jaclyn Jose ang gumaganap na legal wife niya at si Katrina Halili naman ang the other woman sa buhay ng karakter ni Jestoni.

First time daw niyang makatrabaho sina Jaclyn at Katrina, na parehong napaka-professional at magaling magpatawa.

Ayon kay Jestoni, “Masaya kami sa set kasi dramedy ito.

"Hindi mabigat yung mga eksena so tawanan lang, and magaling si Direk Adolf Alix na sanay sa ganitong tema."

Mensahe ni Jestoni sa mga lalaking nangangaliwa ng kanilang mga asawa, “Bawal 'yan!

"Kung ginagawa namin sa TV shows 'yan, hindi naman kailangang gayahin ng mga tao.

“Kailangang maging lessons sa kanila na huwag gawin para maayos ang takbo ng buhay ng pamilya at ng future mo.

“Tigilan niyo na, tama na, magpakabait na kayo!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN