Jericho Rosales tells why he and wife Kim Jones are taking their time to have a baby

IMAGE Noel Orsal

For Jericho Rosales and his wife Kim Jones, parenthood can wait. "May timing kami and we have a plan. Tantiyado namin yun… It's just that mahal namin ang trabaho namin, e," he explains.


Mahigit tatlong taon nang kasal sina Jericho Rosales at Kim Jones, pero tila wala pa sa plano nila ang pagkakaroon ng anak.
 
“Palagi na akong natatanong niyan,” nakangiting sabi ng aktor.
 
“There’s nothing wrong with us, there’s nothing wrong with our relationship, physical or anything like that.

“It’s just that mahal namin ang trabaho namin, e.”
 
Biro pa niya, “We have babies at home, pero mabalahibo siya.

“We have two babies at home,” pagtukoy pa niya sa mga alagang aso nila ni Kim.
 
Ayaw pa talaga nilang magkaroon ng baby?

Tugon ni Jericho, “I have peace and may timing kami and we have a plan.

“Tantiyado namin yun, there’s a time for everything.”

Pero ina-anticipate na ni Jericho na kasing-cute ni Kim ang magiging hitsura ng kanilang baby. 

Aniya,“Every time I look at Kim’s face and every time I experience her cuteness…

“Lahat ng beautiful things she show me every day, I can imagine kung ano ang magiging anak naming dalawa.”
 
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jericho sa presscon ng bago niyang pelikula, ang Luck at First Sight, sa cinema lobby ng Trinoma, noong April 18.

MOVIE PROJECTS. Career-wise, mas enjoy raw si Jericho sa paggawa ng pelikula ngayon kaya posibleng sa last quarter pa ng taon siya makakapag-teleserye.

Saad niya, “Baka October, November pa ang teleserye kung kakayanin ko pa.

“Merong ino-offer, pero meron akong priority ngayon, I have to finish this film.

“After this, I have to shoot again another film with Paul Soriano to be shot in Siargao.
 
“Hindi ko pa puwedeng i-announce ang babae, pero surfing, music, and motorcycles. 

“After that, I’m flying to the States to shoot a film, hindi siya big outfit.

“There’s a director who looked for me and she’s based in the U.S. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung script niya came from Sundance Film Festival.”
 
Si Jericho lang daw ang Pinoy actor sa naturang pelikula.

Pagkatapos nito, magkakasama silang muli ni Direk Dan Villegas sa isang movie project kunsaan makakapareha niyang muli si Jennylyn Mercado.

Unang nagkatrabaho ang tatlo sa Metro Manila Film Festival 2015 entry na Walang Forever.
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN