RJ Padilla sacrifices showbiz career in hopes of a better life in Australia

IMAGE Rosalie Padilla Instagram

Iniwan ni RJ Padilla ang kanyang dalawang programa sa Kapuso network upang mag-migrate sa Australia kasama ang misis niya at dalawang nilang anak.


Nag-post na ng ilang larawan ang misis ni RJ Radilla na si Rosalie Bianca Abdelsayed-Padilla ilang araw pagdating nila sa Australia.

Nagdesisyon sina RJ at Bianca na mag-migrate sa Australia kasama ang kanilang dalawang anak na babae.

Unang umalis for Australia si Bianca para ayusin ang tutuluyan nilang bahay sa Roselands suburbs, sa New South Wales, Australia.

Sumunod na lang si RJ noong April 16, pagkatapos nitong mag-last taping day para sa GMA-7 primetime teleserye na Destined To Be Yours, kunsaan gumaganap siya bilang si Arman.

Sa Instagram account ni Bianca (@bianxpadilla), ipinost niya ang isang larawan kunsaan kasama ni RJ ang kanilang isang anak.

Nag-picnic silang pamilya sa Bicentennial Park South.

Caption dito ni Bianca: “Picnic at the Park today ???? my kids first time in a real park. They were so so happy ???? extremely blessed and grateful ??”

Picnic at the Park today ???? my kids first time in a real park. They were so so happy ???? extremely blessed and grateful ??

A post shared by Rosalie Bianca Padilla (@bianxpadilla) on

Malaking sakripisyo ang ginawa ni RJ na iwan ang kanyang showbiz career sa Pilipinas para mag-migrate sa ibang bansa kasama ang pamilya niya.

May mga nag-advice daw kay RJ na samantalahin ang pagkakataon habang mga bata pa ang mga anak nila.

Puwede naman daw balikan ni RJ ang pag-aartista anytime. Ang importante ay isipin nito ang future ng mga anak nila ni Bianca.

Kagabi, April 19, ipinalabas na sa Destined To Be Yours ang pamamaalam ni Arman sa kanyang mga kaibigan na sina Sinag (Maine Mendoza), Badong (Juancho Trivino), at girlfriend na si Ninay (Sheena Halili).

Emotional noong una ang pamamaalam ng magkakaibigan, pero naging comedy ito nang humabol si Ninay sa pag-alis ni Arman papuntang airport.

Bukod sa Destined To Be Yours, iniwan din ni RJ ang gag show na Bubble Gang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN