Nag-celebrate ng kanilang first anniversary bilang magkasintahan ang Kapuso singer at Traffic Diva na si Aicelle Santos at ang GMA News reporter na si Mark Zambrano kahapon, April 19.
Kaugnay nito, nag-post ang celebrity couple ng sweet messages para sa isa’t isa sa kani-kanilang Instagram accounts .
Ito ang post ni Aicelle: “To the beautiful soul who made me believe in love again, who made my instagram sweeter and the man I will love forever, happy anniversary! Mahal na mahal po kita.?? #AiMarkAnniversary #PalagingIkawAiMark #PalagingIkawonMYXPremiere”
Ito naman ang mensahe ni Mark: “Happy anniversary mahal ko! Thank you for being the realization of God's plan for me and my heart! Looking forward to the adventures and lasting memories ahead of us. I love you @aicellesantos ! #PalagingIkawonMYXPremiere #AiMark”
Noong Miyerkules, April 19, nag-premiere ang music video ng bagong kanta ni Aicelle na “Palaging Ikaw,” kunsaan kasama niya si Mark.
April 2016 noong unang nagkakilala sa pamamagitan ng social media sina Aicelle at Mark.
Ngayon ay napag-uusapan na nila ang pagpapakasal.
Noong nakaraang Holy Week ay pormal nang ipinakilala ni Aicelle si Mark sa kanyang lolo at lola na nakatira sa Batangas. Nataon pang birthday iyon ng kanyang lolo.
Kuwento pa ni Aicelle sa kanyang Instagram post, hiningi niya ang blessing ng kanyang grandparents kung puwede na ba siyang mag-asawa.
Umoo ang kanyang kanyang lolo at sinabi pa kay Aicelle: “Aba’y overage ka na!”
Sabi ng Kapuso singer sa caption: “Lolo's still sharp at 90! Happy Birthday Lolo! Blessings of total healing and a long and healthy life!”
