Jake Ejercito mum about joint custody petition for daughter Ellie

IMAGE Arniel Serato

Wala pa raw sa isip ngayon ni Jake Ejercito ang panibagong love life. Naka-focus daw siya sa paggabay sa anak na si Ellie ngayong lumalaki na ito at sa pagtatapos niya sa kolehiyo.


“Let’s not talk about it na lang.”

Ito ang pakiusap ni Jake Ejercito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago pa man lumawig ang aming panayam sa kanya kagabi, April 19.

Natiyempuhan ng PEP na masayang nag-uusap si Jake at ang anak nitong si Ellie bago magsimula ang programa sa selebrasyon ng ika-80 kaarawan ng ama ni Jake na si Mayor Joseph "Erap" Estrada sa Manila Hotel.

Si Ellie ang five-year-old daughter ni Jake sa dati niyang girlfriend na si Andi Eigenmann.



Ayon kay Jake, nasa korte na ang usapin ng kanyang inihaing petition for joint custody, kung saan nais niyang maging legal ang visitation rights niya sa anak.

Sa ngayon daw, sinusulit niya ang mga oras kasama si Ellie dahil pabalik na siya ng Singapore sa Linggo, April 23, para sa nalalabing ilang buwan niya sa kolehiyo.

Banggit pa ni Jake, “I’ll be finishing this August, then mag-Masters ako, Marketing.”

Wala raw pagsidlan ang tuwa ni Jake dahil halos dalawang araw niya nakasama ang anak para sa selebrasyon ng kaarawan ng kanyang ama.

Sabi niya, “I’m a proud father to Ellie.

"I mean, she’s already five and she’s grown so much na.

"So, I’m just enjoying every moment that I share with her."

Ano ang mga sinasabi niya sa anak kapag nag-uusap silang dalawa?

Tugon ni Jake, “I just always remind her how much I love her. Ganun lang.

"As much as possible, just enjoy every moment we have, kasi hindi ganun kadalas, e.

“That’s why I’m very excited to be based here for good starting this August, para mas makikita ko na rin [nang madalas] si Ellie.”

Pagdating sa love life, hindi raw ito naiisip ni Jake sa ngayon.

Nakangiti niyang sabi, “A, no. I have four months to go sa university. And bettering myself for me and Ellie na din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY FOR ATE JERIKA. Samantala, masaya si Jake sa engagement ng kanyang ate na si Jerika Ejercito sa Spanish boyfriend nitong si Miquel Aguilar Garcia.


Stories We Are Tracking

Jerika Ejercito engaged to Spanish boyfriend
Jerika Ejercito engaged to Spanish boyfriend

Sabi pa ng binatang ama, “Happy for her. Siyempre, I mean, medyo matagal na rin niyang hinihintay, I’m sure.”

Aprubado raw niya ang mapapangasawa ng kapatid dahil kilala niya ito.

“Yeah. I’ve known him for almost a year now.

"So, yun lang, I’m just being happy and supportive as a brother."

May one thing in common din daw sila ni Miquel—ang pagta-travel.

“Kasi si Miquel loves to travel. He’s been to many places than me.

"So, yun yung something in common namin ni Miquel."

Mensahe naman ni Jake para kay Jerika: “You know, as long as she’s happy, your two brothers and her parents are all behind her all the way. Yun lang naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN