Itinanggi ni Issa Pressman na may namamagitang sibling rivalry sa kanila ng kanyang ate na si Yassi Pressman.
Sumisikat na ngayon si Yassi, lalo na nang mapabilang ito sa top-rating primetime series ng ABS-CBN na FPJ's Ang Probinsyano.
Si Issa naman ay hinahanap pa rin ang kanyang lugar sa show business.
Kumbaga, walang pressure sa parte niya na nagsusumikap pa rin bilang isang baguhan, samantalang si Yassi ay nagkakaroon na ng pangalan.
Pahayag ni Issa, “No, hindi siya pressure.
“Actually, mas mga tanong nga kung kinu-compare ba kami.
“Kung hindi ba ako nahe-hurt kung kinu-compare kami.
“I don't take it as a comparison, it's more like of an inspiration.
“So, parang hindi ko nakikita yung difference namin, but I'm more thankful that she's ahead of me.
“So, parang may nagga-guide sa akin.
“And there's nothing more better than yung merong nagga-guide sa akin at sumusuporta sa akin.”
LUCK IN SHOWBIZ. Pero naniniwala ba siya na sa showbiz, kapag may magkapatid na parehong pamasok, may isang umaalagwa talaga ang career, samantalang napag-iiwanan naman ang isa?
Sagot ni Issa, “Meron namang ganun, pero hindi ako naniniwala na ganun.
“Kasi, I believe na as a person ay may kanya-kanya kayong success.
“Kasi, puwede namang may nanalong one million peso dito sa isa, so sobrang tuwa,.
“Pero yung isa, nanalo naman ng one hundred million.
“Iba-iba yung level ng happiness, ng success.
“Ako, I believe that you, as a person, as long as naa-achieve mo kung ano yung gusto mong gawin, it doesn't depend on the number of followers.
“It doesn't depend on how many people know you,
"As long as you know what you want, and you're doing what you love, then that's it."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Issa sa grand presscon ng pelikulang Luck At First Sight ng Vvia Films, na ginanap sa Trinoma Cinema lobby, sa Quezon City, noong April 18.
Bida sa pelikula sina Jericho Rosales at Bela Padilla.
SUPPORTIVE ATE. Pero bilang ate, very supportive naman daw sa kanya si Yassi.
Ayon sa 21-year-old Viva artist, “Yeah, marami siyang advice sa akin.
“Kasi ano, e. Marami rin akong ginagawa—dancing, singing—lagi siyang nag-a-advice sa akin.
“Like now, may bago lang akong ginawang dance video, medyo hindi niya gusto yung una.
“Ayun, nag-reshoot kami. I have to reshoot it all over again na mas maliwanag.
“Ginawa ko pa rin talaga kasi, for her, quality.
“Gusto niya, makikitaan niya ako ng quality, and she just wants the best for me.”
Samantala, para kay Issa, biggest break niya sa movie ang Luck At First Sight.
Saad niya, “Role-wise, parang cameo pa rin siya.
“Pero personally, yes, this is my biggest, kasi matagal ko nang idol si Jericho Rosales, and si Bela Padilla.
“Kasi sila, even after work, nakikita ko ang dedication nila sa work and sa craft nila.
“So, for me, it's really, really good.”
