Diego Loyzaga professes love for Sofia Andres: "Mahal ko si Sofia."

IMAGE Nerisa Almo

Diego Loyzaga on loveteam partner Sofia Andres: "Mahal ko si Sofia. Masyadong marami na kaming pinagdaanan para hindi ko masabi na hindi ko siya mahal."


“Friends who love each other.”

Ito ang paglalarawan ni Diego Loyzaga sa estado ng relasyon nila ng kanyang ka-love team na si Sofia Andres.

Sa press conference ng pinagbibidahan nilang teleserye sa ABS-CBN, ang Pusong Ligaw, nitong Miyerkules ng gabi, April 19, mismong ang co-star nilang si Beauty Gonzalez ang pabirong nagtanong kina Diego at Sofia: “Friends or lovers?”

Pagkatapos sagutin ni Diego ang tanong ni Beauty, binalingan niya ang reporters at sinabing, “Kailangan bang lagyan ng label?”

Katuwiran ng 21-year-old Kapamilya actor, “Sa panahon ngayon, hindi na kailangan lagyan ng label 'yang mga 'yan, 'no?

“Basta kami, nagkakaintindihan kami, yun naman ata yung mahalaga, di ba?”

Dahil hindi diretsong masagot ni Diego ang tanong, tinanong na lamang siya kung gaano niya kamahal si Sofia.

Natatawang sagot ng binata, “Naku po, yung mga tanong niyo!” 

Pero dagdag niya, “Okay, ganito na lang, dalawang taon halos kaming nagkasama araw-araw dahil sa proyektong ito, sa paghahanda ng proyektong ito.

“One and a half, parang ganun.

"Kasi, before nito, may Bloody Crayons pa kami na magkasama, pelikula yun.

“Ganun din, halos araw-araw kaming magkasama doon.

"So, halos nakilala ko na si Sofia nang buung-buo.

“So, yung friendship namin is the closest kind of friendship that you can ever have with another person.

“If you want a label, ganun na po yun.”

Halos ganito rin ang naging sagot ni Sofia tungkol sa kanila ni Diego.

Pahayag ng young actress, “Yung status namin po, parehas naman po talaga na mas nagkakaintindihan kami, kasi yun ang importante ngayon.

“Kasi parehas naming gusto ang ginagawa namin, parehas naming pangarap na, ito, magkaroon ng teleserye.”

Dagdag pa ni Sofia, “I'm very happy kasi nandiyan siya palagi for me.

"Yung suporta niya, nandiyan. Nararamdaman ko talaga.

“Sobrang kilala ko na rin siya talaga. Hindi siya puwedeng mag-lie sa akin.”

Para tapusin na ang usapan tungkol sa kanilang relasyon, sumingit si Diego at sinabing, “May usapan kasi kami ni Sofia na magtutulungan kaming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It doesn't have to have a label. Walang label.

"Basta magtutulungan kaming dalawa para abutin ang mga pangarap namin, kaya heto kami ngayon.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Sa hiwalay na panayam ng Cinema One at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Diego at Sofia, diretsong sinabi ng binata: “Mahal ko si Sofia.”

Paliwanag niya, “Masyadong marami na kaming pinagdaanan para hindi ko masabi na hindi ko siya mahal.

“Pero yun nga, wala kaming label, hindi kami nasa romantic relationship, kasi nagtratrabaho pa kami. Priority muna ang trabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN