Beauty Gonzalez on her showbiz comeback: "Hindi ako sayang."

IMAGE Noel Orsal

Beauty Gonzalez says she prayed hard for her showbiz comeback: "Kasi, gusto ko pong patunayan sa kanila na hindi ako sayang, at kaya kong patunayan."


Aminado si Beauty Gonzalez na ipinagdasal niya nang husto ang pagbabalik niya sa showbiz.

Sa media launch ng ABS-CBN afternoon drama series na Pusong Ligaw, inamin niyang nag-alala siya kung makakabalik pa siya sa showbiz matapos ang di inaasahang pagbubuntis habang ginagawa ang Ningning.

Sabi ng Kapamilya actress, “Pinagdarasal ko 'to, every day I pray.

“Siyempre, noong nabuntis ako, I was really scared kasi, like, sunud-sunod na ang proyekto ko noon, e—from Dream Dad to Ningning, nag-Walang Iwanan pa ako na soap.

"I was doing two soaps at that time.

“Then, I got pregnant. Sabi ko, 'Oh, my gosh!'

“Lahat na yata ng simbahan sa Europe, lahat ng country na pinuntahan namin, kinatok ko.

“Sabi ko, 'Lord, gusto ko pong bumalik [sa showbiz].'

"Kasi, gusto ko pong patunayan sa kanila na hindi ako sayang, at kaya kong patunayan."

Bagamat may pagdududa, naniniwala si Beauty na may kakayahan siya para makabalik pa sa trabaho niya bilang aktres.

“Sa totoo lang, siguro, I believe that I got the talent and naniniwala sila sa talent ko.

“Buti pinaniwala nila ulit sa akin kasi matagal din akong nawala, for a year,” sabi niya.

Nagpapasalamat din si Beauty sa mga taong hindi nawala ang pagtitiwala sa kanyang kakayahan.

Sabi niya, “Thankful ako kasi naniniwala sila sa akin, especially to my manager Arnold Vegafria, kasi muntik na akong di maniwala sa sarili ko.

“Siyempre I got pregnant, nawala ako sa show, that's a very big problem.

“They had to pull me out and nakakahiya.”

Natuwa rin si Beauty na nagbunga ang magandang pakikitungo niya sa kanyang mga nakatrabaho.

“Buti na lang mabait ako sa lahat ng tao,” nakangiting sabi niya.

“I don't wanna say, but I think I'm good to the people I'm working with.

“Mahal ako ng mga staff, mahal ko rin sila at, siyempre, naaalala rin nila ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung mabait ka sa mga katrabaho mo, pleasant ka kahit sino pa 'yan sa taping, maaalala ka nila, so thank you.”

Higit sa lahat, nagpapasalamat din si Beauty sa kanyang fiancé na si Norman Crisologo.

Aniya, “Sa awa ng Diyos, I'm so lucky with my fiancé now.

“He was there for me and he believed in me, na kaya ko pang bumalik.”

Sa katunayan, si Norman pa raw ang nag-udyok kay Beauty na tanggapin ang teleseryeng Pusong Ligaw.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

INTIMATE WEDDING. Samantala, tinanong ng entertainment reporters si Beauty tungkol sa pagpapakasal nila ni Norman.

Naging matipid siya sa pagbibigay ng detalye.

“Basta within this year,” sabi niya.

Sabay biro tungkol sa paghahanda niya, “Tapos na ang lahat. Ako na lang ang kulang.”

Ayon kay Beauty, simple lang ang magiging kasal nila.

“Konti lang ang bisita namin.

“Dito lang sa Manila, magte-taping ako, e, baka hindi na ako makabalik sa taping.

“Very intimate lang ang wedding ko, yung mga alam lang sa amin.”


Stories We Are Tracking

Beauty Gonzalez is engaged to Norman Crisologo
Beauty Gonzalez is engaged to Norman Crisologo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN