Michelle Van Eimeren tearfully thanks Ogie and Regine for looking after Leila

IMAGE Instagram / Magandang Buhay

Though they have parted ways, ex-couple Ogie Alcasid and Michelle van Eimeren continue to remain very good friends.


Pinasalamatan ni Michelle Van Eimeren ang dating asawang si Ogie Alcasid at ang misis nito ngayong si Regine Velasquez dahil sa pagkupkop ng mga ito sa anak na si Leila.

Si Leila ang panganay sa dalawang anak nina Michelle at Ogie, at kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas kasama ang kanyang ama, ang stepmother na si Regine, at half-brother na si Nate.

Kamakailan ay umuwi ng Pilipinas si Michelle, kasama ang bunsong anak na si Sarah, upang bisitahin si Leila.

Sa guest appearance ng Australian beauty queen sa episode ng Magandang Buhay nitong Huwebes, April 20, ay isang pre-recorded video message ang ipinaabot ni Ogie sa kanya.

Pinasalamatan ng singer-comedian ang dating asawa dahil ipinagkatiwala nito si Leila sa kanila ni Regine.

“Chelle, thank so much for the trust that you have given Regine and I to take care of Leila at this time. It matters to us that you trust us and we love you so dearly for that,” mensahe ni Ogie.

Itinuturing naman ni Michelle na suwerte siya kina Ogie at Regine.

Naluluhang sabi ng Miss Universe 1994 candidate, “Alam mo, napakabait naman si Ogie pati si Regine. Suwerte talaga ako.

“Napakahirap sa isang nanay magpaalam sa anak, siyempre pag-alis sa ibang bansa.

“Pero sa mahal ko sa kanya, kailangan support ko siya para hanapin ang dreams niya.

"At siyempre, napaka-proud naman ako at hindi masyadong mahirap, kasi alam ko naman nandito ang isang set ng magulang niya."

Patuloy ni Michelle, na matatas pa ring magsalita ng Tagalog, “Napakabait naman si Reg, si Mama Reg niya."

Pagtukoy niya kay Regine, "Mahal na mahal ko siya kasi, siyempre, pag meron siyang [Leila] problema, meron siyang kailangan, pag masyado akong malayo, nandun siya [Regine] sa tabi niya kaagad, at text niya [Regine] sa akin o tawag niya sa akin kaagad.

"At alam ko I can trust her with my daughters."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

She says Ogie may be a funny man but he has a soft heart.

“At si Ogie naman, napakabait na tatay yun. Kakatuwa siya, pero lambot ng puso niya.

"At siyempre, yung family natin, gusto naming maging close at support naman kami sa isa't isa, para sa mga anak natin, kasi sila ang pinakaimportante sa buhay natin.”

Ikinasal sina Ogie at Michelle noong 1996, subalit inanunsiyo nila ang kanilang paghihiwalay noong 2007.

Noong 2009 ay nag-asawang muli si Michelle sa katauhan ng Australyanong si Mark Murray.

Nang sumunod na taon, 2010, sina Ogie at Regine naman ang ikinasal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN