Jake Ejercito reacts to Andi Eigenmann's Twitter tirade; defends petition for joint custody

IMAGE Arniel Serato

Jake Ejercito on his efforts to compromise with Andi Eigenmann's camp: "Obviously, it didn't work. You know, nakain ko na yung pride ko, basically. And now you hear her saying na 'heartless' ang mga Ejercitos. It's overgeneralization. Dinamay na niya buong pamilya ko. It's really… hindi ko maintindihan saan nanggagaling."


Pursigido si Jake Ejercito na ituloy ang inihain niyang petition for joint custody para sa five-year-old daughter nila ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Pahayag ni Jake sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I think it’s only right for a father to spend time with his daughter.

“We’re not asking for much. We’re just asking for…

“That’s very important for a child’s formative years.”

Ang pagkakaalam daw niya ay nagsumite na si Andi ng kanilang reply affidavit, pero hindi pa niya ito nababasa.

Hiningan ng PEP ng reaksiyon si Jake sa sinabi ni Andi na kung nag-uusap lang daw sila ay hindi aabot sa ganito ang sigalot sa pagitan nila.

Ayon pa sa Kapamilya actress, gusto niyang lumaki ang kanyang anak na nakilala ang ama nito.

Ngunit pagkontra ni Jake, “Hindi aabot sa ganito na magpa-file kami ng case kung nakakausap siya nang maayos.

“We tried going through a lot of people.

“Actually, we started preparing for a case late last year pa, but hindi naman itinutuloy kasi we’re hoping na mapag-usapan.

“So it’s a bummer na pinapalabas nila na hindi ka marunong makipag-usap.

“You can ask Boss Vic [del Rosario] of Viva, ang dami na naming tinray na mag-course through other people, pero wala.”

Si Vic del Rosario ng Viva Entertainment, Inc. ang namamahala sa showbiz career ni Andi.


Stories We Are Tracking

Jake Ejercito seeks joint custody of daughter with Andi
Jake Ejercito seeks joint custody of daughter with Andi
Andi Eigenmann alarmed over Jake's joint custody petition
Andi Eigenmann alarmed over Jake's joint custody petition
Jaclyn Jose surprised by Jake's joint custody petition
Jaclyn Jose surprised by Jake's joint custody petition
Andi launches Twitter tirade against Jake and his family
Andi launches Twitter tirade against Jake and his family

Ayon pa kay Jake, bago siya naghain ng petition for joint custody, siya mismo ay gumawa ng paraan na mapag-usapan nila ito nang maayos. Pero wala raw nangyari.

“Before asking these people, sumubok din ako.

“Obviously, it didn’t work.

“You know, nakain ko na yung pride ko, basically.

“And now you hear her saying na ‘heartless’ ang mga Ejercitos.

“It’s overgeneralization. Dinamay na niya buong pamilya ko.

“It’s really… hindi ko maintindihan saan nanggagaling,” malungkot na pahayag ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ng binatang ama ay ang Twitter posts ni Andi kung saan pinasaringan niya si Jake at ang pamilya nito.

Read: Andi Eigenmann launches Twitter tirade against Jake Ejercito and his family

STAGE DAD. Pursigido siyang ituloy ang petition for joint custody dahil gusto niyang regular na makita at makasama ang kanyang anak.

Sa kasalukuyan, once a month lang daw niyang nakikita, o masuwerte na yung twice a month, ang bata.

Kaya kapag nakakasama ni Jake si Ellie, gusto niyang masaya at maging positibo lang dahil hindi naman daw nararamdaman ng bata ang problema ng kanyang mga magulang.

Sabi pa ni Jake, “She’s a very loving and fun kid.

“As much as possible, since bihira na nga kami magkita, gusto ko yung time together namin, very positive.”

Tulad na nga lamang sa 80th birthday celebration ng ama ni Jake na si Manila Mayor Joseph Estrada, na ginanap sa Manila Hotel noong Miyerkules ng gabi, April 19.

Tuwang-tuwa raw siyang pinapanood si Ellie na nag-perform kasama ang mga pinsan nito para sa kanilang Lolo Erap.

Read: Erap celebrates 80th birthday among the powerful

Nakangiting kuwento ni Jake, “First time kong naging stage dad kasi, di ba, I missed her graduation?

“So, I’m very proud na she was able to go up stage with her cousins na, most of them, ngayon lang niya nakikilala.

“I just told her na to keep on smiling and don’t mind all these people and just look at your dad lang.”

Nagpasalamat naman si Jake dahil pumayag si Andi na ipahiram sa kanila si Ellie para maging bahagi sa malaking selebrasyon ng kanyang ama.

Ngunit “no comment” ang sagot nito sa tanong kung okay na sila ni Andi dahil pinahiram na nito sa kanila ang bata.

Hindi raw sila nag-uusap ni Andi, kaya ang kapatid niyang si Jerika Ejercito ang kumakausap sa aktres para hiramin si Ellie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN