PEP EXCLUSIVE. Brunei-based Pinay businesswoman expresses disappointment with Pia Wurtzbach

IMAGE Instagram photo of Kathelyn Dupaya

Brunei-based Pinay businesswoman Kathelyn Dupaya hurt over stories Pia Wurtzbach allegedly made about her. She said, "Alam ko Miss Universe kalaban ko versus... Sino ba ako para paniwalaan nila? Pero kahit ayaw nila maniwala sa akin, ang totoo, ako ang naubusan ng pera, pagod, puyat. Alam ng mga tao lahat sa Brunei ang nangyari, pero ako, nakiusap manahimik na lang baka masira pa ang career ni Pia."


Isang Brunei-based Pinay businesswoman ang naglabas ng kanyang sama ng loob sa social media laban kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Base sa kanyang Instagram post kahapon, April 20, nagpupuyos sa galit ang Pinay businesswoman na si Kathelyn Dupaya.

Mansahe ni Kathelyn kay Pia sa kanyang Instagram post: “Huwag ka magbigay babala sa mga tao pupunta sa brunei para mag ingat sa akin.

“Unang-una, wala kaming pinakita sau masama nung pumunta ka dito yung binigay namin service kaiba kung compare sa iba celebrities.

“Mga celebrities at beauty queen pumunta dito walang security guard, ikaw ilan ang hinanda namin para mabigyan ka ng maganda welcome sa brunei

“hindi ka lang marunong mag appreciate kasi hayop ang ugali mo hindi ka man lang magpasalamat sa mga pagod namin.”

Noong February 2017 ay sa Brunei si Pia, kasama ang boyfriend nitong si Marlon Stockinger.

Makikita sa timeline ni Kathelyn ang ilang larawan niya kasama sina Pia at Marlon:


Ang larawan sa itaas ay kuha sa Empire Hotel and Country Club sa Brunei.

Ang babaeng nasa gitna nina Pia at Marlon ay si Kathelyn.

THE PEP INTERVIEW. Kaugnay nito ay nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kathelyn, sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, upang kunan ng karagdagang pahayag tungkol sa kanyang post.

Ayon kay Kathelyn, siya ang nagdala kina Pia at Marlon sa Brunei, matapos maghayag ng interes ang Pinay beauty queen na bumisita roon.

Noong panahong iyon ay kasalukuyang nasa Brunei si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina.


Lahad  ni Kathelyn, “While Maxine was still in Brunei, nagda-drive ako noon, bigla yung friend ko, tumawag, 'Please answer the Facetime.' So, sinagot ko kahit nagda-drive ako.

"Sabi niya, 'May surprise ako sa 'yo.' Pag-on niya ng Facetime, si Pia at Marlon nakita ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi, 'Hi Tita, selos ako, nandiyan si Maxine.' Pabiro niya, 'Tita, punta ako.'"

Tinanong pa raw ni Kathelyn si Pia kung hindi siya nagbibiro.

Ang sagot daw ng beauty queen: “Available ako sa Feb 10 to 13.”

Patuloy ng Brunei-based businesswoman, “So, sabi ko, 'Tama, kasi Feb 12 opening ng spa ko. Invite kita.'

"Hindi pa ako makakapag-grand opening kasi mga staff ko nasa Pinas pa. Soft opening muna sa Feb 12."

Bukod kina Pia at Marlon, kasama rin daw na pumunta sa Brunei ang mga magulang at kapatid ni Marlon, katulong, at dalawang assistants.

Sabi ni Kathelyn, “Walo sila na sinagot ko hotel, plane ticket, pagkain, at lahat ng ginastos nila dito sa Brunei.

"Nag-hire ako ng camera at video for remembrance."

Tinanong ng PEP kung ang imbitasyon niya kay Pia ay alam ng dating talent manager nitong si Jonas Gaffud ng Aces and Queens o di kaya ng bago nitong talent management, ang IMG.

Sagot ni Kathelyn, “Ma'am, di ko alam na dadaan ng IMG or sa manager niya.

"Sila po ang tumawag sa akin at nagsabing gustong pumuntang Brunei.

"Natuwa ako kasi yung invite ko sa kanila, interested sila.

"Di ko naman alam na may ganyan-ganyan."


Base sa salaysay ni Kathelyn, nakilala niya si Pia sa pamamagitan ng pamilya ni Marlon noong kasagsagan ng Miss Universe 2016 pageant sa Pilipinas.

Nangailangan daw kasi noon si Marlon ng hotel room na mas malapit sa Mall of Asia Arena, kung saan ginanap ang grand coronation noong January 30, 2017.

Sa pamamagitan ng isang kaibigan, ipinakilala si Kathelyn sa pamilya ni Marlon.

Doon daw ay in-offer ni Kathelyn ang kanyang room sa Solaire Resorts and Casino sa Parañaque City.

Bilang pasasalamat, binibigyan daw siya ng mga magulang ni Marlon ng VIP ticket sa Okada Manila, sa Parañaque City rin. Ngunit tinanggihan daw niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago raw bumalik sa Brunei, inaya pa raw siya ng pamilya ni Marlon ng dinner sa bahay nila sa Alabang. Kasama raw sa dinner na iyon si Pia.


MEDIA COVERAGE. Dahil sa Instagram post ni Kathelyn, ilang fans ni Pia ang nag-comment at sinabing hindi raw alam ni Pia na magkakaroon ng media coverage ang kanyang pagpunta sa Brunei.

May video rin kasing ipinost noon si Kathelyn, kung saan ipinapakita ang pagdating nina Pia at Marlon sa Brunei airport.

Tinanong ng PEP si Kathelyn kung alam ba ni Pia na magkakaroon siya ng public appearances sa Brunei, bukod sa invitation niya sa soft opening ng kanyang spa.

Depensa niya, “Ang mga tao sa airport, Ma'am, hindi sa aabangan siya, magsusundo yun sa mga kamag-anak nila na kasabay ni Pia sa plane.

“At walang media [coverage] dito, Ma'am, hindi yun uso [dito]; katulad diyan, may media.”

Ayon pa kay Kathelyn, sa airport pa lamang ay mapapansin daw na "nakasimangot" si Pia.

"Sabi ko sa staff ko, 'Pagod lang siya,'” dagdag ni Kathelyn.


NO APPEARANCE. Isa pang ikinasama ng loob ni Kathelyn ang hindi pagdalo ni Pia sa soft opening ng kanyang spa, na pinakadahilan ng pag-imbita niya sa Pinay beauty queen.

Mensahe ni Kathelyn sa kanyang Instagram post kahapon: “Sabi mo wala tau usapan sa spa.

“alam ni atty py kung bakit ko kau invite una soft openning ng spa ko pangalawa gusto mo mag relaks dahil pagod ka.....

“tapos sasabihen mo wala tau usapan

“helo ginastusan kita sinama mo pa buo family ng boyfriend mo.”

Sa panayam ng PEP, sabi ni Kathelyn, “Nag-sorry sila na hindi sila makasipot sa soft opening.

"Walang cutting ribbon, Ma'am, papasok lang siya sa spa ko, yun pakiusap ko sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung kailangan ko paalisin ko mga tao, papaalisin ko basta papasok lang siya sa spa ko, kaso wala.”

Dagdag niya, “Sabi ko sa mother ni Marlon at sa friend ko, 'Kung alam ko lang na di kayo sisipot at maraming bawal si Pia, hindi ko na kayo pinapunta dito at gagastos ng malaki.'"


Ayon pa kay Kathelyn, “Maraming celebrities pa puwede ko invite, Ma'am.

"Lahat ng celebrities dito puro may event. Bakit ako mag-invite kung walang event?”

Bukod kina Pia at Maxine, makikita rin sa Instagram posts ni Kathelyn ang iba pang Filipino celebrities na naimbitahan ni Kathelyn para pumunta sa Brunei.

Kabilang dito sina Miss International 2016 Kylie Versoza, Alma Concepcion, Sunshine Cruz, Ara Mina, at Miss World 2013 Megan Young.

MEET AND GREET WITH PIA. Sa sumunod na Instagram post ni Kathelyn, makikita ang isang MK Gift Voucher.

Sinasabi ng ilang fans ni Pia na ito ang ginamit ng grupo ni Kathelyn para linlangin ang mga tao para sa isang meet-and-greet with Pia, na wala naman daw sa usapan nila.


Ngunit ayon kay Kathelyn, nagkamali lang  ang kanyang staff sa caption ng naunang post.

Ito ang nilalaman ng Instagram post: “This is the voucher during pia here in brunei

“promotion namin for valentines it happen pia is in brunei

“yung meet and greet we admit wrong caption ng staff ko we apologize that pero yung nag papabayad ako sa OFW ng 15 dollars para makita si pia that is Bulshit.”

Sa aming panayam kay Kathelyn, muli niyang nilinaw kung para saan ang voucher.

“Walang meet-and-greet, para sa pagkain po 'yan,” sabi niya.

“Ang sabi ko sa mga OFW, after soft opening, makakasabay niyo mag-lunch si Pia kasi kakain siya dito, pero nasa private room siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin pa niya, “Never ako nagpapabayad sa mga OFW para maka-picture mga celebrities.”

Naging personal na tradisyon na raw niya ang magpa-party para sa mga OFW sa Brunei.

“Every year, nagpapa-party ako sa hotel, lahat ng OFW nandoon, maraming artista.

"May lucky draw, free food, uuwi silang may pera. Hindi ako nagpa-entrance."

DISAPPOINTED. Sa mga nakakita ng kanyang Instagram posts, na ngayon ay naka-private na, marahil ay may ilang nagtataka kung bakit ngayon lamang nagsalita si Kathelyn tungkol dito.

Ayon sa negosyante, nagsimulang sumama ang loob niya kay Pia nang may makasabay siyang nagpakilalang make-up artist ng dating Miss Universe sa isang flight papuntang Pilipinas para manood ng finals night ng Your Face Sounds Familiar Kids noong first week ng April.

Tinanong daw siya ng make-up artist kung siya nga si Kathelyn Dupaya mula sa Brunei.

Nang kumpirmahin niyang siya nga ito, sinabi raw ng nakasabay niya sa flight: “Ma'am, naku, mabait ka pala, sabi ng mga make-up artist ni Sharon [Cuneta]. Pero mali ang kuwento sa akin ni Ms. P."

Himutok pa ni Kathelyn, “Di ko akalain na ganun ang kuwento niya, binaliktad ako, pero nanahimik pa rin ako.”

Halos ganito rin ang sinabi ni Kathelyn sa isa sa mga post niya sa Instagram kahapon.

Bungad niya sa isang post: “Ngaun lang ako may oras mag salita sa lahat ng basher.”


Paliwanag naman ni Kathelyn sa PEP. “Kaya ako nag-post, Ma'am, para tuldukan na ang pagsasalita ni Pia against me.

“Kaya ako nag-post para malaman ng mga taong pinagkuwentuhan niya na ganito ang pangyayari.

“Alam ko Miss Universe kalaban ko versus... Sino ba ako para paniwalaan nila?

“Pero kahit ayaw nila maniwala sa akin, ang totoo, ako ang naubusan ng pera, pagod, puyat.

“Alam ng mga tao lahat sa Brunei ang nangyari, pero ako, nakiusap manahimik na lang baka masira pa ang career ni Pia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Ipagdasal na lang natin na sana magbago siya.' Yun po advice ko sa mga tao ko."


PIA'S SIDE. Sinubukan ng PEP na kunin ang panig ni Pia kaugnay ng mga sinabi ni Kathelyn sa pamamagitan ng pag-iwan ng mensahe sa kanyang social media account kahapon, April 20.

Subalit hanggang ngayon ay hindi pa sumasagot si Pia.

Agad na ilalathala ng PEP ang panig ni Pia tungkol sa isyung ito kapag nakatanggap na kami ng mensahe mula sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN