Ai-Ai delas Alas vows to remain celibate until her wedding day

IMAGE Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas wants to have a baby with husband-to-be Gerald Sibayan. The 52-year-old star declares, "Basta, puwede pa!"


Hangga't hindi pa raw sila kasal ni Gerald Sibayan, mananatiling celibate si Ai-Ai de las Alas.

“Sanay na siya, hayaan mo siya, kering-keri na siya doon,” nakangiting kuwento ni Ai-Ai.

Nagdeklara ng celibacy ang Comedy Queen matapos siyang gawaran ng Papal Award bilang pagkilala sa kanyang pagtulong sa pagpapagawa ng mga simbahan at pagiging deboto sa simbahang Katoliko.

Ang tanong, lagpas 50 years old na ang edad ni Ai-Ai, puwede pa ba niyang bigyan ng anak si Gerald?

Mabilis niyang sagot,  “Magpi-pray ako.”

Kakayanin pa ba?

“Basta, puwede pa!”

Ang Hollywood pop star na si Janet Jackson ay 50 years old nung naging mommy.

Ayon pa kay Ai-Ai, “Marami namang paraan” ng pagbubuntis at napaghandaan na raw niya ang clinical process ng fertilily.

Aniya, “Noon pa, matagal na. Prepared, let’s go!”

Nakapanayam si Ai-Ai ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang media sa presscon ng Our Mighty Yaya noong Miyerkules ng gabi, April 19, sa Valencia Events Place.

Ang pelikula niyang ididirek ni Joey Reyes ang Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment Inc. at pagbibidahan rin ni Megan Young.


Stories We Are Tracking

Ai-Ai delas Alas flashes dazzling engagement ring!
Ai-Ai delas Alas flashes dazzling engagement ring!
Ai-Ai delas Alas, Gerald Sibayan to wed in U.S. in November
Ai-Ai delas Alas, Gerald Sibayan to wed in U.S. in November

MARRIAGE COMES FIRST. Sa mga may agam-agam sa tatlong taong relasyon nila, ang samahan ng mag-asawa ay depende sa tao.

Halimbawa na lang, maraming magka-edad ang nagkatuluyan pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Pagdedetalye ni Ai-Ai, “Ang pag-aasawa naman risk ‘yan.

“Kahit sino naman sa atin, hindi makakapagsabi kung ano ang kahihinatnan ng relationship namin. 

“May isang araw nag-get together kami, all of my friends hiwalay na. 

“Ang paga-asawa talaga, hindi mo masasabi, walang kasiguraduhan.

“Hangga’t nandiyan ‘yan at kayo, be thankful sa mga blessing, saka dasal lang talaga.”

Malaking wedding ba?

“Gagawan ko ng paraan ‘yan para hindi magtampo, church wedding ako.”

Paulit-ulit na sinabi ni Ai-Ai na ang pundasyon ng kanilang relasyon ay ang dedikasiyon niya at pagdarasal sa Diyos ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Palagi kaming nagsisimba, nagnu-novena nang sabay. 

“Malaking bagay pag nandiyan si Lord sa gitna ng relationship ninyo, huwag nating kalilimutan.”

Isa sa inaasahang pagbabago sa buhay ni Ai-Ai ay ang pagbalanse niya sa career at married life.

Lahad niya, “Puwede akong mag-slow down. 

“Bigyan ko muna ng focus, attention, yung pagiging misis ko kay Gerald.”

Magaan raw kay Ai-Ai ang pagpapakasal lalo’t suportado ito ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Sabi ng Kapuso star, “Gusto kasi nila si Gerald, saka hindi mo naman makikita ‘yan sa labas, e.  

“Nakikita kasi nila si Gerald sa loob ng bahay, so alam nila.

“Yung nanay ko mahirap i-please, pero gusto niya si Gerald.” 

MIGHTY YAYA? Payat ngayon ang pangangatawan ni Ai-Ai, may kinalaman ba ito sa plano niyang pagbubuntis?

Sagot niya, “One year na akong ganito kapayat, di ba nag-organic ako, saka no meat, no dairies..."

Kabaligtaran naman ang nangyari sa kasintahan na tila ay mas lumaki.

Paliwanag ng komedyana,  “E, kasi tabain naman siya dati pa. 

“Pero pumapayat na rin siya dahil sa dami ng work, nagwu-work na siya as coach so palagi siyang pawis.”

Mighty yaya na rin siya kay Gerald?

“Pag naglalambing lang siya, millennial iyan e hindi alagain, chill-chill lang. 

“Saka sanay 'yang mamuhay nang mag-isa."

Isang badminton player si Gerald.

Dugtong ni Ai-Ai, “National team ‘yan, e, bata pa lang sila, nasa isang quarters na sila sa Rizal stadium. 

“Yun ang buhay nila, magba-badminton, papasok sa loob, mag-aaral.

“Papasok sa loob, magba-badminton uli, so sanay sila sa ganong buhay, hindi sila alagain.

“Hindi siya sanay sa gano'n, nung nakaramdam siya e di nasarapan na inalaagaan siya na bini-baby.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN