Sarah Lahbati on Richard Gutierrez's tax evasion case: "He's going to settle what he has to settle."

Sarah Lahbati says partner Richard Gutierrez is ready to face the ongoing tax evasion charges filed recently by the Bureau of Internal Revenue (BIR): "I shouldn't be worrying kasi malalampasan niya 'yon."


Wala raw itinatago si Richard Gutierrez.

Kaya nang tanungin ang partner niyang si Sarah Lahbati tungkol sa tax evasion case na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa aktor, hinarap ng aktres ang isyu.

"He's good," panimula ni Sarah nang nakausap ng PEP.ph (Philipiine Entertainment Portal) sa launch ng libro nitong True Beauty, How To Glam Your Life Inside and Out kagabi, April 21, sa Viva office, Sct. Madriñan St., Quezon City.

Pagpapatuloy niya, "Well, right now I don’t think he would be like good-good.

"That’s why actually I’m excited to go home.

“I’m also worried for him, but I mean, nasa nature ko na yung maging worried, but I shouldn’t be worrying kasi malalampasan niya ‘yon.

"At saka, ano ba naman ‘yon? Si Chard, he’s gonna settle what he has to settle and it happens to all the celebrities,” ang pahayag ni Sarah.

WEDDING. Nang tanungin tungkol sa planong pagpapakasal nila ni Richard, hindi raw nagmamadali si Sarah.

Mababasa rin daw sa True Beauty ang kanyang dream wedding.

Dugtong niya, "I am a woman. It’s a woman’s dream. I am a Christian.

"It’s not like there’s an expiration date."

For now, ang focus niya ay career at ang unico hijo niyang si Zion.

"I’m 23, Zion is turning 4 sa April 29, and we have so much in our hands that we feel like time passes by so quickly.

“If we missed out on something with Zion, it’s just crucial na hindi kami tutok sa kanya, so we wanna make sure everything’s settled. 

“We’re super hands-on parents, priority namin si Zion before ourselves.

"Once we feel more relaxed, we’ll get there.”

BOOKS. Si Sarah ang pangatlong miyembro ng Gutierrez family na naglabas ng sariling libro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauna si Annabelle Rama at sinundan ito ni Ruffa Gutierrez.

“Oh yeah," natatawang sagot ni Sarah sa tanong kung may rivalry ba ang mga libro nila pagdating sa sales.

“Sabi ko kay Tita Annabelle, 'I will try to top yung ibinebenta mo, dapat mas madami ako.'

"Sabi niya, ‘Try mo, 'Day.’

“'Try ko talaga, Tita.'"

Nauna nang bumili ang malalapit niyang kaibigan at pamilya. 

Kumuha ng 100 pieces si Annabelle, nag-order na rin ang mommy ni Sarah na si Esther also ordered, at bumili na rin ng kopya si Ruffa Gutierrez.

“Ganoon naman kami—kung sinong may book, o-order kami, ibibigay ko sa staff ko, sa mga kaibigan ko.

"Kapag may book ako, ganoon din sila. Tulungan.

"But I like challenging Tita once in a while,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN