Jessy Mendiola professes love for Luis Manzano

IMAGE @senorita_jessy on Imstagram

Jessy Mendiola finally admits relationship with Luis Manzano: "Oo, kami na. Okay na, guys? Happy kami."


Simula noong na-link sa isa't isa sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, naging maingat ang dalawa sa pagsasalita tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Unang lumabas ang balitang nag-uugnay sa dalawa noong June 2016, halos apat na buwan matapos maghiwalay si Luis at ang aktres na si Angel Locsin.

Bagamat madalas makitang magkasama sina Luis at Jessy na sweet na sweet, walang tahasang pag-amin mula sa dalawa.

Nakilala na rin ng host ang pamilya ni Jessy, partikular ang ina nitong si Didith Garvida (seated, 2nd from left)

Travel buddy rin ang dalawang Kapamilya stars.

Noong November 2016, nagpunta sila sa Phuket, Thailand.

Ang latest trip nila ay nitong first week of April sa Japan.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Cinema News si Jessy noong nag-guest ito sa birthday special ng Minute To Win It para sa host ng show na si Luis.

Nagselebra ng kaarawan ang binata kahapon, April 21.

Ani Jessy tungkol sa trip nila, “Ang sarap ng sakura ice cream, hinanap ko talaga siya sa buong Japan."

Dahil naparami ang kain nila, ang sabi pa ng dalaga, “Tumaba nga kami, ang sarap ng food kasi."

Kuwento rin ni Jessy, “Masaya talagang sinakto namin na maabutan namin yung cherry blossoms.

“First bloom yung naabutan namin. Ako, first time ko sa Japan so talagang na-enjoy ko.”

Sa pinakahuling paglalarawan ng aktor sa relasyon nila, ang tangi nitong sinabi ay "very, very steady" sila.

Magdedepende rin daw siya sa "timetable" ni Jessy.

Ang rason noon ni Luis ay ang halos 12 years na age gap nila—24 years old si Jessy habang 36 years old si Luis.

At sa eksaktong 36th birthday ni Luis kahapon, ipinahayag ni Jessy ang kanyang pagmamahal sa host.

Sa panayam namin kay Jessy sa backstage, aniya, “Finally, naglaro na ako sa Minute To Win It kasi ngayon lang nila ako napilit para sa birthday niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saka niya muling sinabi, “Oo, kami na. Okay na, guys? Happy kami.

“Ano nagustuhan ko sa kanya? Lahat,” deklara niya.

 Nang tanungin namin siya tungkol sa usaping kasal, naniniwala si Jessy na mangyayari ito sa tamang panahon.

“Ang dami ko pang dapat gawin, pero I’m sure it’s worth the wait.

“Everything will fall into place, naniniwala ako dun, kaya okay lang na maghintay pa nang kahit kaunti,” panigurado niya.

Sa Instagram, nag-post din si Jessy ng sweet birthday message para sa boyfriend.

Aniya, "Happy birthday my love! Thank you for making me believe in love again.
"So much has happened, but here I am falling more in love with you each day.
"You make people happy by just being yourself and I am very proud of that.
"You deserve good things because you are a good person inside and out.
"I love you very much and I will always be your Chopie."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN