What Luis Manzano admires most about Jessy Mendiola

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano says his mom Vilma Santos was among the first to know about his relationship with Jessy Mendiola.


Halos langgamin sina Jessy Mendiola at Luis Manzano nang mag-guest ang dalaga sa birthday special ng Minute To Win It para sa host nito.

Kapansin-pansin ang palitan nila ng matatamis na “I love you” at “my love” sa ere.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Luis sa set ng kanyang show nung nakaraang Miyerkules, April 19, sa ABS-CBN, kinumpirma rin ng TV host ang estado ng relasyon nila ni Jessy.

Saad niya, “Nag-a-I love you-han na kami sa Minute To Win It.

“There’s no secret.

“Kaya din kami magkasama para sa birthday special ko, sa 'Lucky’s Last Man Standing.'

“Di naman kami nag-iwan ng duda.

“We’re always been vocal kahit sa social media kung ano ang mayroon kami."


Stories We Are Tracking

Jessy Mendiola professes love for Luis Manzano
Jessy Mendiola professes love for Luis Manzano
Jessy Mendiola has a kilig message for BF Luis Manzano
Jessy Mendiola has a kilig message for BF Luis Manzano
Luis Manzano in no rush to marry Jessy Mendiola
Luis Manzano in no rush to marry Jessy Mendiola
Luis Manzano reveals Jessy Mendiola's priceless V-day
Luis Manzano reveals Jessy Mendiola's priceless V-day "gift"

MOM APPROVES. Nang tanungin namin kung ano ang reaksiyon ng kanyang inang si Congresswoman Vilma Santos, sinabi ni Luis na matagal na niyang alam ang tungkol sa kanila ng girlfriend.

Aniya, “Tagal na rin namang nakasama ni Mommy si Jessy over dinner.

“My mom knows everything.

"All-knowing yun si Mommy, kaya alam niya dati pa kung ano ang mayroon sa amin ni Jessy.”

Ang katatagan ng loob at katapangan ng aktres ang ilang sa mga katangiang pinakanagustuhan ni Luis sa kasintahan.

Lahad ni Luis, “Her strength. Di biro ang pinagdaanan niya.

“Sa mga taong di talaga alam ang story, di nila alam talaga ang mga tunay na nangyari sa mga bagay-bagay, pero still, she has a smile on her face.

"I admire her strength.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN