Jennylyn Mercado brings her father home with her after South Korea vacation

IMAGE Noel Orsal / Jennylyn Mercado Instagram

Jennylyn Mercado on netizens' observation that her boyfriend Dennis Trillo and her biological dad Noli Pineda are lookalikes: "Actually, yung father ko rin, sabi niya, 'Kayo naman ang magkamukha. Parang siya ang panganay ko, ikaw ang bunso.' Pero may hawig talaga!"


Naging memorable kay Jennylyn Mercado ang kanyang pagbabakasyon sa South Korea noong Holy Week.

Maliban kasi sa kasama niya ang boyfriend na si Dennis Trillo at anak na si Alex Jazz, nagkaroon din siya ng pagkakataong bisitahin ang kanyang biological father na si Noli Pineda.

Ang maganda pa, pagbalik sa Pilipinas ay kasama na ng Kapuso actress-TV host ang ama.

Magkasama na sila ngayon sa iisang bahay.

Sabi ni Jennylyn, “Masaya kasi sinundo ko yung father ko. Ngayon, dito na siya.”

Bago pa niya sunduin ang ama, na naka-based sa South Korea, may usapan na raw silang uuwi na ito ng Pilipinas.

“Ano yun, e, January. Sabi ko, ‘Samahan niyo ako, kasi wala na akong kasama rito sa Philippines, mag-isa na lang ako.

“Tapos sabi niya, ‘Di bale, uuwi na lang ako.’

“Sabi ko, ‘Hindi, susunduin kita para sigurado.”

Pareho nang yumao ang adoptive parents ni Jennylyn na sina Roger at Lydia Mercado.

Nagkataon namang hindi na nagtatrabaho ang Daddy Noli niya sa South Korea at 62 years old na rin ito.

Bukod sa girlfriend, wala rin namang pamilya o ibang anak ang kanyang ama.

Nakangiting sabi ni Jennylyn, “Wala akong kapatid. Meron siyang partner, pero hindi sila nagka-baby.

“Sila pa rin naman ng partner niya, pero naintindihan naman niya na kailangan ko talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa taping ng Season 2 ng kanyang cooking show sa GMA News TV, ang Everyday Sarap with CDO, na magsisimulang mapanood sa May 1.

ADJUSTMENT PERIOD. Aminado si Jennylyn na pareho silang nag-a-adjust ng kanyang ama ngayong magkasama na sila sa bahay, lalo pa’t hindi siya lumaki kasama ito.

“Medyo nag-a-adjust din ako kasi hindi rin naman ako sanay na kasama ko siya, since birth.

“Pero masaya, kasi ano lang din naman yun, masayahin. Para lang din ako, tawa lang nang tawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkakapaan pa ba silang mag-ama?

Ayon kay Jennylyn, “Medyo, medyo nagkakapaan pa.

“Pero kilala ko naman kasi siya.

“Even hindi naman kami nagkikita, uuwi naman yun yearly.

“Tapos, nagkakasama rin kami.”

LOOKALIKES? Aware daw si Jennylyn sa komento ng ilang netizens na may pagkakahawig ang kanyang ama sa boyfriend ng aktres na si Dennis, pagkatapos niyang i-post sa Instagram ang larawan ng dalawa. 

Ang Popogi naman nila!????

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

Kuwento ng My Love From The Star actress, “Actually, yung father ko rin, sabi niya, ‘Kayo naman ang magkamukha. Parang siya ang panganay ko, ikaw ang bunso.’

“Pero may hawig talaga!”

Magka-vibes na rin ba ang daddy niya at si Dennis?

“Oo, e,” sambit ni Jennylyn.

“Noong una silang magkita, dala ni Papa yung gitara. Nag-ano [jamming] agad.”

Ang common nga raw sa kanilang tatlo ay ang hilig nila sa musika.

Musician kasi ang ama ni Jennylyn kaya may pagakakataong nagdya-jamming session sila.

Kagaya na lamang nang i-upload ng aktres ang video ng jamming session nilang mag-ama, kasama si Dennis, noong nasa South Korea sila.

???????? #venturahighway #impromptu

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

JENNYLYN’S SON. Tatlong araw lang nanatili sa South Korea sina Jennylyn.

Hindi rin daw sila halos nakapasyal dahil naging pihikan ang anak niyang si Alex Jazz sa pagkain.

Kuwento niya, “Medyo nag-a-adjust si Jazz sa Korea. Hindi siya kumakain, so nag-aalala na ako.

“Imbes na mamasyal ako, dadalhin ko na lang siya sa kung saan-saan restaurant para lang makakain.

“So, hindi na ako nakapasyal, pero okey lang.”

Paborito raw ng anak ang adobong manamis-namis.

Kuwento pa ni Jennylyn, “Yun nga, e, sana pala nagbaon kami.

“Tuloy, puro Spam. Bumibili kami ng Spam sa 7/11.

“Nag-alala ako for one day, talagang wala siyang kinain.

“Even yung Yakult, favorite niya yung Yakult, binilhan ko siya sa… pareho naman, Korean lang ang sulat, ayaw niya nang inumin.

“Tsine-check niya talaga.”

Pihikan daw kasi talaga ang anak sa pagkain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya imbes na may mga plans kaming mamasyal, lahat yun naunsiyami.

“Sabi ko, di bale na, basta kumain lang siya. Dadalhin ko na lang siya sa mga restaurants.

“Tapos naiinis siya, ayaw niyang maglakad sa mga streets.

“Ang laki-laki, tapos kakargahin ko pa rin!” natatawang kuwento ni Jennylyn.

Si Alex Jazz ay anak ni Jennylyn sa dati niyang boyfriend na si Patrick Garcia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN