Jake Cuenca races on after biking accident; eyes triathlon podium finish

IMAGE Noel Orsal

Jake Cuenca gets his high on triathlon: "Kaunting element ng danger, yun ang thrill ride na sinasabi." 


Matagal na raw pangarap ni Jake Cuenca na makasamang muli sa isang proyekto sina Gerald Anderson at Kim Chiu, at maging si Coleen Garcia.

Nagkasama sina Jake, Gerald, at Kim sa 2009 primetime series na Tayong Dalawa.

Si Coleen naman ay nakasama ng aktor sa Pasion de Amor noong 2015.

Kaya naman excited siya sa pagsasama nilang apat sa daytime series ng Kapamilya network, ang Ikaw Lang Ang Iibigin.

Ayon kay Jake, “Maganda yung show namin, it’s a very nice show.

“Kahit nag-offer pa sila ng primetime show, kung hindi sila ang kasama ko, baka tatanggihan ko yun.

“Gusto ko kasing makasama sila Kim and Gerald, saka si Coleen ulit.

“I wouldn’t have it any other way…

"Nung nakita ko yung cast nito, sabi ko, ‘Tanggapin natin ‘yan.’”

SPORTSERYE. Isang "sportserye" ang Ikaw Lang Ang Iibigin, kung saan triathletes ang mga karakter na gagampanan nina Jake, Kim, at Gerald.

Dahil sa passion sa kanyang trabaho, nag-triathlon na rin si Jake.

Kare-recover nga lang niya sa injuries na tinamo sa isang biking accident, pero sasali na raw siya sa dalawang duathlon events sa Subic sa May 14 at 19.


Stories We Are Tracking

Jake Cuenca hurt in a minor biking accident
Jake Cuenca hurt in a minor biking accident
Jake Cuenca raring to get back to work after his accident
Jake Cuenca raring to get back to work after his accident

Paliwanag niya, “My goal is I wanna reach the podium, gusto kong mag-podium finish, that’s my biggest goal.

“And I’m getting closer, first race ko, 28th place.

“Then, yung next race ko, seventh place.

“Sa Ironman, kung hindi ako na-flat-an, my team might have reached the podium on relay.

“Nararamdaman ko na, nalalasahan ko, at kahit nabali ang kamay ko, training pa rin.

“Hindi ako papayag na humina, iba rin ang confidence na nangyayari.

“Kapag nag-training ako tapos bigla nagpunta ako sa set, nararamdaman ko in character ako.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Jake sa presscon ng Ikaw Lang Ang Iibigin, na ginanap sa 9501 resto sa ELJ Bldg. ng ABS CBN noong Lunes, April 24.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EYES ON THE ROAD. Ayon kay Jake, hindi naging trauma para sa kanya ang nangyaring aksidente kamakailan.

“After the incident talaga, mas nagutom ako lalo.

“Itong injury, yung downtime just motivated me more to be better and be stronger when I come back.
  
“No fear, di ka puwedeng matakot when you do this, kasi ikaw ang magbabagal kapag nag-iingat ka masyado.

“Yun naman ang exciting sa triathlon, e, kaunting element ng danger, yun ang thrill ride na sinasabi.”

Dugtong pa niya, “Sabi naman ng doktor, guaranteed 100 percent okay na ako.

“Bukas pupunta ako sa doktor, tapos bibigyan niya ako ng go signal kung puwede na akong lumangoy, so excited ako.”
 
Ibinahagi rin ni Jake kung ano ang natutunan niya sa nangyari.

Aniya, “Always keep your eyes on the road.

“Kahit pagod na pagod ka na, huwag na huwag kang titingin sa baba kasi ganun ang nangyari sa akin.”

Bukod sa Ikaw Lang Ang Iibigin, na mapapanood simula sa May 1 bago ang It’s Showtime, gaganap muli bilang athlete si Jake sa Cinemalaya 2017 entry na Requited.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN