Ella Cruz on status of relationship with Julian Trono: "Kayo na ang bahala kung ano ang iisipin niyo."

IMAGE Noel Orsal

Ella Cruz and Julian Trono are also slated to do a movie together, a confirmation their love team is going forward. "We're creating things together," she says. "That's one thing na nagustuhan ko sa teamup namin, nagku-collaborate kami, we share ideas."

 


Ayon kay Ella Cruz, wala munang romantic label ang closeness nila ng kanyang ka-love team na si Julian Trono.

Pahayag ng Viva artist, "Ano lang kami ngayon, kung ano ang nandiyan, kung ano ang nakikita niyo po.

“Kayo na ang bahala kung ano ang iisipin niyo.

"Pero kami, we're working on together, tapos not putting labels.

"Kasi medyo magiging complicated pag ganun, lalo na't nagsisimula pa lang kami.

“So, mas ini-enjoy na lang muna namin kung ano meron kami.

"Bahala na kung ano ang mangyari sa future."

Kung sakali mang manligaw sa kanya si Julian, ano ang chance nito?

Saad ng 20-year-old actress-dancer, "Chance? Siguro yung lagi siyang nandiyan, and then kilala na niya ako.

"Nakakatuwa lang kasi nakilala niya ako.

"Sobrang deep kasi siya as a person, ako sobrang babaw.

"So, yung every move ko, nakikilala na niya ako.

“And mas nakikilala ko ang sarili ko dahil sinasabi niya sa akin.

"At saka yung patience niya sa akin.

“We started as a tandem late last year, in November, so medyo matagal na rin kaming magkasama."

Kaya ganun na rin talaga sila kakumportable sa isa't isa?

Aniya, "Yung previous  love teams ko naman po, naging comfortable din naman ako.

“Iba kasi with Julian, kasi nga yung working relationship namin, we're creating things together.

"That's one thing na nagustuhan ko sa teamup namin, nagku-collaborate kami, we share ideas.

"Kaya yun, sobrang comfortable talaga."

FIRST MOVIE TOGETHER. Kitang-kita ang pagiging malambing ni Julian kay Ella, maging sa harap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters, sa presscon para sa kanilang dalawa, na ginanap sa Le Reve Pool and Events Place, kahapon, April 25.

Ito ba ay dahil bumubuo sila ng JulianElla loveteam o dahil may pagtingin talaga ito sa kanya?

Napapangiting sabi ni Ella, "Siyempre, meron din pong personal.

"Hindi lamang puro work, kasi halos araw-araw kaming magkasama at araw-araw din po kaming nagkakausap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang pag-motivate naman ay hindi lamang sa workshops.

“Siyempre, gusto kong lumabas best sa kanya at yung best sa akin.

"So, kahit nag-uusap kami na hindi sa trabaho, yun pa rin.

“Ang parehong goal namin ay tungkol sa career namin.”

Natatawang dagdag niya, “Ganun kami ka-addict sa work namin!”

Magsisimula nang mag-roll ang camera para sa unang movie nila together sa Viva Films, ang Fanboy/Fangirl.

Expected na mas tataas pa ang level ng kanilang samahan.

Ayon kay Ella, “Start na rin kami next week.

"It's a romantic-comedy movie, na ginawa naming light, pero may kurot pa din ng konti.

"Mas gusto namin yung mas realistic, nakaka-relate ang tao.

"Pareho kaming excited kasi first time din naming magkasama sa movie.

"Iba kasi yung mga ginagawa naming videos together.

“At mas lalong iba po yung umarte kami sa harap ng kamera."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN