Julian Trono on Ella Cruz: "We have each other, that should be enough."

IMAGE Noel Orsal

Julian Trono admits Ella Cruz is very special to him. Is he talking romance? "It's there, it's just a matter of time na lang… Pero kung parang nanggigigil na ang panahon, then let's make it happen," he says.


Aminado si Julian Trono na si Ella Cruz ang pinakaespesyal na babae sa kanya ngayon.

Pero trabaho ang dahilan kung bakit kasama niya ang babaeng nagpapatibok ng puso niya.

Ano ang saloobin ni Julian dito?

Aniya, "Yun nga, e, ang lagi ko ngang sinasabi sa kanya, our goal is not para magpakilig.

“Marami na kaming napanood na ganyan, but it's not naman to give beefs para sa mga love teams ngayon.

"It's more like, try naman namin ang ibang ideal, like yung pareho kaming makulit.

“Na hindi kailangan naming maging sweet... it's more of out of care.

"Yun na kami dati pa talaga, hindi na namin kailangang magbago pa.

"Our goal namin is to give people... yung totoo lang, at wala kaming itinatago."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julian sa presscon nilang dalawa ni Ella para sa upcoming romantic comedy movie nilang Fanboy/Fangirl, na magsisimula ang shooting sa susunod na linggo.

Ginanap ang presscon sa Le Reve Pool and Events Place, Quezon City, kahapon, April 25.

FEELINGS FOR EACH OTHER. Sa edad ni Julian na 19 at si Ella naman ay 20, mahirap daw pigilan ang mga ganitong nararamdaman.

Sabi ng actor-dancer, "Yun nga, e, kaya nga lagi kaming nag-uusap, we always talk.

“As much as possible ay hindi lang work ang pinag-uusapan namin.

“Kundi kumustahan talaga, para nababalanse, kasi friends din na kami nang matagal.

“May inaalagaan kaming friendship, gusto naming i-enjoy pa, at pareho kaming nag-decide diyan."

Paano kung isang araw ay malaman niyang may nanliligaw na kay Ella?

Pahayag ni Julian, "If ever one day mangyari 'yan, napag-usapan na rin namin 'yan.

“Kailangang walang inhibitions, kailangan maging honest kami sa isa't isa and be true to ourselves.

"Okey, dapat sabihin lang, kunyari, may ganito at ganyan nga.

“At least, nasabi kaagad… at least may mag-a-adust.

“For now, I don't know... hindi namin alam parehas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But we have each other, that should be enough."

FRIENDS FOR REAL. Bukod sa halos araw-araw silang magkasama ngayon, sila ang ginu-groom ng Viva Artists Agency bilang pinakabagong love team sa showbiz—ang JulianElla.

Pero mukhang pinipigilan nito ang kanyang damdamin sa tinaguriang Teen Dance Princess.

Pahayag ng tinagurian namang Teen Dance Prince, “Kung may feelings ako [para kay Ella], hindi na question yun.

"It's there, it's just a matter of time na lang, e.

“Puwede namang isabay 'yan sa work, but the thing is... both of us decided na huwag na lang.

“Huwag na lang natin unahan ang pangyayari.

"Let's just... gamitin natin yung mga totoong nararamdaman natin to make things work.

"Gamitin to fuel and mas maging passionate pa kami sa mga ginagawa namin."

Ito ba ay isang romantic feeling?

Aniya, "Parang nasa thin line siya… I value our friendship very much.

“At the same time, hindi naman mahirap na ma-fall in love with Ella.

"I mean, someone who has her heart, mabait siya, and sobrang caring, given na kasi yun.

"Ayaw naming lumabas na ganun, kami na mag-a-adjust.

"Pero kung dumating na yung parang nanggigigil na ang panahon, then let's make it happen."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN