Charice Pempengco and partner Alyssa Quijano break up; Charice to quit showbiz?

IMAGE Team Charice Facebook / Gorgy Rula

Sa Twitter account ni Charice Pempengco, sinabi nitong masaya na siya sa kanyang naiambag sa industriya at sa mga napasaya niyang tao. Pero napapagod na raw siya. 


Naghiwalay na diumano ang live-in partners na sina Charice at Alyssa Quijano.

Ito ay base sa kolum ni Salve Asis sa Pilipino Star Ngayon ngayong Miyerkules, April 26.

Ayon sa ulat, si Alyssa raw ang umalis sa apartment na tinitirhan nila. Bitbit daw nito ang mga sariling gamit at ang ilang gamit na umano'y hindi kanya.

Sa kabilang banda, si Charice naman daw ay nakikitira na lamang sa isang fan niyang taga-Laguna.

Kaugnay ng balitang ito, nagtanung-tanong ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ilang malalapit kay Charice at maging sa singer mismo.

Sa pamamagitan ng Facebook messaging, hiningan namin ng pahayag ang kanyang ninong na si Robert Ybera at inang si Raquel Pempengco.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa sila tumutugon sa aming mga mensahe.

Nag-text din kami kay Charice at sa kanyang manager na si Jed Velasco.


Stories We Are Tracking

Charice wants to reach out to Pinoy audience
Charice wants to reach out to Pinoy audience
Charice still gets affected by bashers
Charice still gets affected by bashers
Charice on illegal drugs: It's just a waste of life.
Charice on illegal drugs: It's just a waste of life.

TO TAKE A LEAVE FROM SHOWBIZ? Wala pang tugon si Charice sa aming text, habang si Jed ay sumagot sa ilan naming katanungan.

Wala raw siyang alam tungkol sa balita dahil naghiwalay na sila ng landas ni Charice noon pang isang taon.

Si Jed ang ipinalit noon ni Charice kay Grace Mendoza bilang talent manager.

Sabi ni Jed, “Hindi ko na po alam ang nangyayari sa kanya.

"I heard she cancelled her concert and parang nag-quit na siya sa showbiz."

Ang sinabing concert ni Jed ay ang Charice: End of Chapter Rock Concert, na nakatakda sanang ganapin noong March 24, 2017, sa Kia Theatre.


Kinansela ito ng producer sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. 

Ayon sa ilang komento sa Facebook account ni Charice, sa konsiyertong ito sana pormal na magpapaalam si Charice sa kanyang mga tagahanga.

Tila may pahiwatig din si Charice tungkol dito sa kanyang Facebook at Twitter accounts.

Marami namang tagahanga ni Charice ang naiyak sa kanyang pansamantalang pamamaalam sa showbiz.



LOVE AND CAREER. Taong 2013 nagsimulang ulanin ng kontrobersiya si Charice dahil sa alitan nila ng kanyang inang si Raquel Pempengco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bunsod ito ng hindi na mapigilang pagladlad ni Charice sa totoo niyang kasarian, pati na ang hayagang pakikipagrelasyon nito sa babae sa katauhan ni Alyssa.

May 2013, balitang nagtanan sina Charice at Alyssa.

June 2, 2013, tuluyan nang inamin ni Charice na isa siyang tomboy sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa defunct showbiz talkshow ng ABS-CBN na The Buzz.

Simula noon, paunti-unting lumamlam ang singing career ng Pinay international singer.

Kasunod nito ang balak daw nilang pagpapakasal ni Alyssa.

Kahit nag-release ng album si Charice, hindi na rin ito pumatok sa publiko.

Paminsan-minsan ay napapanood pa sa ASAP si Charice, ngunit sa pagsulpot ng bagong singers ng Kapamilya network, madalang na siyang maimbitahan dito.


Stories We Are Tracking

Charice:
Charice: "Opo, tomboy po ako."
Charice feels like a child again after admitting she is a lesbian
Charice feels like a child again after admitting she is a lesbian
Raquel Pempengco gives Charice the freedom she wants
Raquel Pempengco gives Charice the freedom she wants
Raquel Pempengco says Charice has disowned her own family
Raquel Pempengco says Charice has disowned her own family


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN