Rich Asuncion on engagement to Benjamin Mudie: "Alam ko naman na siya na talaga."

IMAGE Rich Asuncion Instagram

Rich Asuncion on boyfriend Benjamin Mudie's proposal: "Ramdam ko na rin na malapit ng mag-propose. Ang dami kasi niyang paramdam these past few days, e. Yung anniversary post niya last week, na yung wedding ring namin, i-tattoo na lang daw, kasi hassle daw kapag singsing. Yung mga ganun."


Wala raw kaalam-alam ang Kapuso actress na si Rich Asuncion na magpu-propose sa kanya ang boyfriend na si Benjamin Mudie sa taping ng kinabibilangan niyang afternoon drama series sa GMA Network, ang na Ika-6 Na Utos, kahapon, April 26.

“Wala talaga akong alam, as in!” bulalas ni Rich, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa private messaging ngayong Huwebes, April 27.

Ang unang nakaalam daw na magpu-propose si Benjamin ay ang co-star ni Rich sa Ika-6 Na Utos na si Sunshine Dizon, bilang mag-best friends sila sa kanilang teleserye.

Kuwento ni Rich, “Si Ate Sunshine lang ang may alam, kasi tinext pala siya ni Ben three days ago.

“Tapos, sinabihan niya ang production kahapon lang.

“So, alam nilang lahat, ako lang ang hindi.

“Nagulat talaga ako, grabe!” 

THE HUNCH. Bagama’t wala siyang ideya na sa taping magaganap ang proposal sa kanya ng Fil-Aussie rugby player, inamin ni Rich na may pakiramdam na siyang malapit na itong mag-propose sa kanya.

“Ramdam ko na rin na malapit ng mag-propose.

“Ang dami kasi niyang paramdam these past few days, e.

“Yung anniversary post niya last week, na yung wedding ring namin, i-tattoo na lang daw, kasi hassle daw kapag singsing. Yung mga ganun.”

Natuwa rin si Rich dahil sa proposal ni Benjamin sa kanya, sa halip na English ay nag-Tagalog daw ito.

“Nag-Tagalog pa sa proposal at umiyak. Nanginginig sa kaba!”

#bengotrich part 1/2

A post shared by richellasuncion (@richellasuncion) on

Nalaman din daw ni Rich na dapat ay sa second anniversary nila noong Lunes, April 24, nakaplanong mag-propose ang boyfriend.

Hindi lang daw natuloy dahil sa location ng taping nila.

“Ang sabi niya, dapat daw noong Monday pa lang, kaya lang yung location namin sa Ika-6… sa cemetery. Ang pangit naman, di ba?

“Si Ate Shine na ang nag-suggest na kahapon na lang.”

Ano ang nararamdaman niya ngayon bilang bride-to-be?

Sagot ni Rich, “Sobrang happy siyempre. Alam ko naman na siya na talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

#bengotrich 2/2

A post shared by richellasuncion (@richellasuncion) on

WHEN IS THE WEDDING? Ngayong engaged na sila, kailan nila planong magpakasal?

Ayon kay Rich, “Wala pang plans, pero iniisip muna namin na magpa-civil muna sa Japan ngayong October.

“Kasi, may travel plan kami dun, e, sakto na nandun ang buong family ni Ben.

“Yun nga lang, aalamin pa ang requirements.

“Kapag hindi naman mahirap i-achieve, yun na.

“Tapos, church ceremony siguro next year.”

Kung hindi naman, may plano rin daw silang magbakasyon sa Australia sa December. Pero lahat daw ay pag-uusapan at pagpaplanuhan pa lang nila.

Ang kaibigan ni Rich na si Yasmien Kurdi ang naging daan kaya sila nagkakilala ni Benjamin.

Nakatapos na ng apat na degree si Benjamin sa Australia at nagma-Masters ngayon. Gusto raw nitong magka-PhD (Doctor of Philosophy) at maging university professor.

Sabi pa ni Rich, “Pero teacher na siya ngayon for BSM, kasi nagtapos na naman siya ng Diploma for Education.”

Si Rich naman ay planong tapusin ang ilang units niyang natitira pa sa University of the Philippines bago ang kasal nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN