Gloria Romero on seven-decade-long showbiz career: "It's my passion, it's my dream."

IMAGE Noel Orsal

Veteran actress Gloria Romero on working with young stars: "Lahat sila magagalang, marerespeto sa mga katulad naming seniors. They're very, very nice, edukado sila. Kapag kami ang nakakaeksena nila, on time sila palagi."


Sixty-eight years o halos pitong dekada na sa showbiz ang tinaguriang Queen of Philippine Movies na si Gloria Romero.

At sa loob ng panahong ito ay nananatili siyang aktibo, mapa-pelikula o telebisyon man.

Ano dahilan at hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya sa pag-arte? Karamihan ng mga kasabayan niya noon ay matagal nang nagretiro sa pag-arte at ang iba ay pumanaw na.

“I love what I’m doing,” nakangiting pahayag ng 83-year-old actress sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Kasi, kung hindi ko rin naman mahal ‘to, matagal na rin akong nag-resign at nagpahinga na lang, di ba?

“Nagtiyaga ako, kasi it’s my passion, it’s my dream.

“Childhood dream… hindi na child, matandang dream na rin!” natawang sabi ni Tita Gloria.

Pero aminado ang beteranang aktres na may panahon din namng naisipan niyang tumigil na sa pag-aartista.

Saad niya, “Kapag panahong may mga problema, that I said, ‘Teka muna, pahinga muna ako so I can also attend to what I have to do.’

“Pero kapag may dumadating na bagong script at nabasa kong cute, ayan na naman, nabubuhayan na naman ako ng loob.”

Nang banggitin namin ang pagiging “movie queen,” nakangiting reaksiyon ni Tita Gloria, “Naku, ‘yang Queen na ‘yan, ibinigay na lang ng press people yun, pero thank you.”

OLD AND NEW STARS. Sa tinagal-tagal niya sa industriya, halos lahat ng artista ay nakatrabaho na niya.

Ayon pa kay Tita Gloria, “Marami kasing nag-resign na, marami kasing nagpunta na sa ibang bansa. Maraming ayaw na.

“Ang palagi nilang sinasabi, ‘Ay, Tita Gloria, hindi na namin kaya ang mga hours.’

“Sabi ko, ‘Hindi, sa ating matatanda na, binibigyan tayo ng mga cut-off.’

“Tapos ang sabi pa nila, aside from that, yung memorization.

“Sabi ko, totoo ‘yan. Kasi, palaging nagmamadali kapag soap.

“Minsan lalabas na ng gabi and we have to do it right away at yung dialogue sa on the set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya kailangan talaga, sharp pa rin.”

Wala naman daw siyang naranasang hindi maganda sa mga nakatrabaho niya, kahit yung mga baguhang artista.

“Lahat sila magagalang, marerespeto sa mga katulad naming seniors.

“They’re very, very nice, edukado sila.

“Kapag kami ang nakakaeksena nila, on time sila palagi.

“Kasi alam nila na, ‘Naku, on time palagi ang mga lumang artista na ‘yan, we have to be on the set,’ and they do.”

TWO SHOWS ON GMA-7. Ngayon ay dalawang shows ang tinatampukan ni Tita Gloria sa GMA Network, na naging tahanan na niya nitong nakalipas na anim na taon.

Maliban sa primetime series na Meant To Be, kung saan gumaganap siya bilang cool lola, si Tita Gloria ang bida sa bagong weekly fantasy series na Daig Kayo ng Lola Ko, na magsisimula nang mapanood sa April 30.

Pero mapagkumbaba pa ring pahayag ng dating Sampaguita Pictures contract star, “Title role lang naman ako, pero lahat naman ng guesting namin diyan, artistang gumanap dito, children, hindi lang naman ako ang may role rito, all of us have...

“It’s so nice, kasi naiba talaga sa lahat ng roles ko ito, it makes you young again.

“At saka sa pagpasok namin kanina, I’m so overwhelmed.

“Thank you sa pagtanggap nila sa amin at sa show.”

Kasama ni Tita Gloria sa Daig Kayo Ng Lola Ko ang child stars ng Kapuso network na sina Jillian Ward, Chlaui Malayao, David Remo, at Julius Miguel.

Kuwento niya, “Naku, ang gugulo, lalo na yung boy namin, si David.

“Kami ni Direk, ‘Uy, David, behave.’ Behave naman siya, pero mamaya nang konti, makikita mo dito.

“Pero he knows his line, magugulat ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN