President Duterte threatens to block ABS-CBN franchise renewal

IMAGE Courtesy: Presidential Communications Facebook page

Muling pinasaringan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga may-ari ng ABS-CBN at Philippine Daily Inquirer dahil sa hindi raw patas na pag-uulat ng mga ito sa kanya mula pa noong panahon ng kampanya hanggang sa siya ay nahalal na bilang presidente. 


Kung pinirmahan agad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang extension ng franchise ng GMA Network, Inc. hanggang sa susunod na 25 taon, tila mahihirapan naman ang rival network nitong ABS-CBN na makakuha ng renewal of franchise.

Read: President Rodrigo Duterte extends GMA-7 franchise for next 25 years

Sa ambush interview ng media matapos ang bilateral meeting nito kay Brunei Sultan Hassanal Bolkiah sa Malacañang ngayong Huwebes, April 27, sinabi ng Pangulo na haharangin niya ang renewal of franchise ng ABS-CBN sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Ito ay bunsod umano ng hindi pag-ere ng ABS-CBN ng kanyang political ad noong campaign period ng 2016 elections, gayong bayad na siya.

Sinabi ng Pangulo na hindi rin umano inere ng Kapamilya network ang political ads ng mga tumakbo sa pagka-bise presidente, na sina dating Senators Alan Peter Cayetano at Chiz Escudero.

Pahayag ni Pangulong Duterte, “If ganun ka kaano, you're engaged in swindling, for all we know ilang kompanya dito na hindi niyo pinalabas.

"If you operate, ABS-CBN, tapos manloloko lang kayo ng tao, mag-swindling kayo, I have to stop you, di ba?"

Sa parehong panayam, binanatan din ng Pangulo ang mga may-ari ng daily broadsheet na Philippine Daily Inquirer—ang Prieto at Rufino clans.

Bukod sa P1.6 billion diumanong tax obligation ng Golden Donuts, Inc.—ang may-ari ng Dunkin Donuts franchise sa Pilipinas na pagmamay-ari ng Inquirer owners—gusto ring mabawi ng gobyerno mula sa mga ito ang isang prime property sa Makati City.

Ito ay ang Creekside/Mile Long, na nirentahan ng Sunvar Realty and Development Corp., na pagmamay-ari ng Prieto at Rufino clan.

Aniya, “I will recover the property for the Filipino [people]. Everybody who has the tax obligation must start to talk now.

“Within six-months time, I will go after them.

"I have to get back… Inquirer, you have to let go of that property, it is not yours."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin naman ng ilang political observers, matagal nang pinag-iinitan ng presidente ang ABS-CBN at Philippine Daily Inquirer, hindi dahil sa business dealings ng mga ito, kundi dahil sa reporting ng dalawang malaking media establishments ng tungkol sa kanyang administrasyon.

Inaamin naman ng presidente na sa tingin niya ay hindi fair ang TV network at print publication sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN