Gerald Anderson recalls breakup with Kim Chiu: "Ako po talaga yung siguro, immature."

IMAGE Screengrab from Tonight With Boy Abunda

Gerald Anderson described Kim Chiu as a perfect girlfriend: "Kung paano po siya magmahal, sobrang perfect na, e. Honestly. Kaya siguro bilang isang lalaki, ako po talaga yung siguro, immature, hindi ko pa bina-value kung ano yung meron ako noon. Pag nagmahal siya, buung-buo, e. Kaya napakasuwerte ng lalaking mamahalin niya."


Inamin nina Kim Chiu at Gerald Anderson na walang naging closure ang breakup nila noon.

Muling napag-usapan ang naging kontrobersyal na breakup ng dalawa sa sit-down interview nila sa Tonight With Boy Abunda kahapon, April 28.

Una sa naging tanong ng host na si Boy Abunda ay kung siniraan ba nila ang isa’t isa pagkatapos nilang maghiwalay.

Natatawang sagot ni Kim, “Oo, hindi ko naman ide-deny sa kanya yun!

“Hindi, part po yun ng moving on.

"Tignan mo naman ngayon, nasasabi ko na sa kanya, siniraan!

“Pero yung iba doong sinabi ko, totoo. Yung iba doon, sira lang.”

Nang magpakuwento naman ang King of Talk tungkol sa naging closure nila matapos ang breakup ay natawa sina Kim at Gerald.

Sabi ni Kim, “Yun na nga po, wala po kasi, e!

“Hindi na lang po kami nag-text.

"Hindi na nag-text, in-erase ko na yung number mo.

"Wow, ganda ko, as if!”

Tanong naman ni Gerald kay Kim, “Hindi na tayo nag-text?”

Tugon ng aktres, “Hindi na!

"Siyempre noong bandang huli, text-text, tapos hanggang sa... Oo nga, alis na siya! Gano'n!

“Pero okey na kami, mas mahalaga na yung gano'n.”

Sa huling bahagi naman ng kanilang interview ay hiningan sila ni Boy ng love advice para sa isa’t isa.

Sabi lang ni Kim sa ex-boyfriend: “Value who or what you have.”

Nang si Gerald na ang magbibigay ng payo ay inalala niya ang naging relasyon nila ni Kim.

Kuwento ni Gerald, “Sa totoo lang, Tito Boy, kung paano po siya magmahal, sobrang perfect na, e. Honestly.

“Kaya siguro bilang isang lalaki, ako po talaga yung siguro, immature, hindi ko pa bina-value kung ano yung meron ako noon.

“Pag nagmahal siya, buung-buo, e.

"Kaya napakasuwerte ng lalaking mamahalin niya.”

Ngayon, masasabi raw nina Kim at Gerald na mas okey na sila kumpara noon, lalo na’t muli silang magkatrabaho sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin, na mag-uumpisa na ngayong May 1 bago mag-It’s Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbabahagi ni Gerald, “Ngayon, ito po kasi yung opportunity na makapag-catch up po kami at kumbaga, opo, may pinagsamahan kami, pero it’s like I’m getting to know her again.”

Sabi naman ni Kim, “Naloloko-loko ko na siya, joke time-joke time, okey na yun!”

Una na ring nasabi ito ni Kim sa press conference ng Ikaw Lang Ang Iibigin na ginanap noong April 24.

Saad ni Kim, “Kung may wall, siguro hindi namin ito gagawin.

"Hindi rin magiging maganda yung produkto namin kung may wall."


Stories We Are Tracking

Kim Chiu: No more wall between me and Gerald Anderson
Kim Chiu: No more wall between me and Gerald Anderson
Gerald says he and Kim maintain a professional relationship
Gerald says he and Kim maintain a professional relationship
Kim slams netizen accusing her of getting cozy with Gerald
Kim slams netizen accusing her of getting cozy with Gerald
Kim Chiu admits hesitation in working with Gerald Anderson
Kim Chiu admits hesitation in working with Gerald Anderson


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN