PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nora Aunor undergoes voice therapy in Singapore; thanks donors

Nora Aunor: 'Ang Dating Daan lang ang nagmalasakit na ipagamot ako para sa boses pati therapy.'
by Mercy Lejarde
Published Apr 13, 2018 | Updated May 1, 2017
Nora Aunor thanks supporters who paid for her and those of her companions' travel and accommodation expenses when she flew to Singapore for her voice therapy.

Noong April 20 ay bumiyahe papuntang Singapore si Nora Aunor para sa kanyang voice therapy sa isang specialist doon, na siya ring gumamot sa mga nasirang boses ng ilang Hollywood celebrities.

Sina Eli Soriano ng Ang Dating Daan at si Daniel Razon ng UNTV ang sumagot sa airplane tickets, hotel accommodation, at pocket money na $500 ng Superstar.

Sinabihan din daw ng mga ito si Nora na kung kakapusin siya ng cash ay puwede pa siyang humingi anytime.

Six days ang itinagal ni Nora sa Singapore, kasama ang kanyang longtime partner na si John Rendez at isang personal assistant.

Dapat daw ay two months mag-i-stay ang Superstar sa Singapore para tapusin ang kanyang voice therapy.

Pero mahal daw masyado ang manatili doon kaya dito na lang sa Pilipinas ipagpapatuloy ang kanyang voice therapy.

Kung mababalik daw ang singing voice ni Nora, malaking presscon ang balak isagawa nina Ka Eli at Kuya Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang text messages ng Superstar sa writer na ito kaugnay ng kanyang voice therapy:

"Ang UNTV at Ang Dating Daan ang tumutulong sa akin ngayon sa lahat ng kailangan ko sa pagpapagamot, theraphy at iba pa. Tinupad nila ang ipinangako nila sa akin.

"Si Bro Eli at Kuya Daniel ng UNTV ang talagang nagpapagamot sa akin para sa boses kahit sa therapy at sa lahat lahat...

"Pagdating sa pagpapagamot at iba pang mga kailangan ko, UNTV ang gumagastos hanggang ngayon.

"Sinabi ni Kuya Daniel sa akin na sabi ni Brother Eli na anumang kailangan ko pagdating sa pagpapagamot para sa boses ko, tutulungan nila ako at tinupad nila ang pangako nilang iyon sa akin.

"Walang sinasabing kapalit ng kahit anuman."

Nagbigay rin ng pahintulot si Nora para maisapubliko ang kanyang mga text message.

Aniya, "Opo. Pasalamatan mo sila ng sobra para sa akin.

"Ang Dating Daan lang ang nagmalasakit na ipagamot ako para sa boses pati therapy. Para makakanta akong muli.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sila lang talaga ang nagmalasakit nang sobra sa akin.

"Maraming salamat kay Brother Eli at Kuya Daniel, mula sa puso.

"Sana pasalamatan lahat ng mga nagmamahal sa akin, lalo na ang fans, ang UNTV at ADD sa ginawa nilang pagmamalasakit at pagtulong sa akin.

"Maraming salamat sa iyo, sa pagpapasalamat mo para sa akin sa UNTV at ADD."

Dagdag pa ni Nora, "Mag-uumpisa na akong mag-voice therapy kay Madam Kitchie Molina."

Pinasasalamatan din ni Nora si Bro. Robert Navoa na siyang nag-asikaso sa kanila sa Singapore.

Read Next
Read More Stories About
Nora Aunor
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nora Aunor thanks supporters who paid for her and those of her companions' travel and accommodation expenses when she flew to Singapore for her voice therapy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results