Daniel Padilla allegedly caught on video shaking cherry blossom tree in Japan

IMAGE Instagram account of Karla Estrada / Twitter (@kaijeri519)

Daniel Padilla nettles netizens for allegedly shaking a cherry blossom tree in Japan. The ABS-CBN actor and his love team partner Kathryn Bernardo were recently in  Japan to celebrate Daniel's 22nd birthday.


Isang video ang kumakalat ngayon, kung saan isang lalaking nakatalikod ang umaalog sa isang cherry blossom tree habang kinukunan ng larawan ang isang babae.

Ayon sa description ng video, ang lalaking umaalog ng cherry blossom tree ay ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla.

Pinaniniwalaang kuha ang nasabing video sa Japan, kung saan dinarayo ng mga turista ang cherry blossom trees.

Nasa Japan kamakailan si Daniel, kasama ang rumored girlfriend niyang si Kathryn Bernardo, para ipagdiwang ang kanyang 22nd birthday.

Sa isang 13-second video na may titulong “Daniel Padilla Caught Shaking Cherry Blossom Tree, A Major No-no In Japan,” na in-upload ng isang YouYube user noong April 28, makikitang niyuyugyog ng isang lalaking naka-denim jacket ang cherry blossom tree habang pinpiktyuran ang isang babaeng may hawak na pink jacket.

Kasabay nito ang pagpu-post sa Twitter ng netizen na may user handle na @kaijeri519 ng mga litrato umano nina Daniel at Kathryn sa Japan.

Kasama sa mga litrato ang screen grab ng video na in-upload, kung saan si Daniel diumano ang nakitang nag-aalog ng cherry blossom tree.

Sabi ng netizen sa mga sumunod nitong tweets: “cguro kahit jadine or aldub or kahit cnuman artista ginawa ko pa rin to. ayoko ng walang manners. pupunta sa japan ok lang kaso pag

“ganito i hate... daanan ng tao di nila alam na nakaharang cla pic parin. tinatayuan ni kath kahit batu man na gnun di pwede at last pic

“pinipic c kath tapus hinuhulug ni daniel yung cherryblossom? lalunayan di pwede sa japan.”

Samantala, isang larawan ang ipinost ng ina ni Daniel na si Karla Estrada sa Instagram, kung saan makikitang nakasuot ng denim jacket si Daniel, habang si Kathryn naman ay nakasuot ng pink jacket.

Kuha sa Japan ang larawang ito.

May ilang netizens din ang nagbigay ng komento, tungkol sa diumano’y pag-aalog ni Daniel sa cherry blossom tree, sa Instagram post ni Karla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


NO-NO IN JAPAN. Ang pag-aalog ng cherry blossom tree ay pagpapakita ng hindi paggalang sa tradisyon ng mga Japanese.

Ayon kay Jeffrey Miller, director of Education and Family Programs ng Japan Society, na inilathala sa website na CNtraveler.com, kasama ang “shaking” sa pagpapakita ng kawalang-galang sa cherry blossom trees.

Sabi niya, "This probably goes without saying, but the unspoken 'don’t' is [that] there is to be no disruption of the tree; shaking, climbing, picking of the blossoms.

"The uniqueness of the hanami experience is rooted in the beholding of the blossoms as you consider their short life, their beauty and delicate nature, and the fellowship of others."

Sa website naman na japan-guide.com, nakasaad ditong ipinagbabawal na alugin ang cherry blossom tree.

“Treat the trees carefully. Do not pull on or shake branches. Do not pick blossoms. Don't climb the trees. Don't stand on the trees' roots.”

Sa kasalukuyan ay nasa Pilipinas na ang dalawa at nakapag-perform na rin sa ABS-CBN Sunday variety show na ASAP.

Isa rin si Daniel sa guest performers sa ginanap na Binibining Pilipinas 2017 coronation night kagabi, April 30.

Samantala, humingi ng pahayag ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa PR Department ng Star Magic tungkol sa isyung ito, subalit sa kasalukuyan ay wala pa silang ipinapadalang statement.

Ang Star Magic ang talent arm ng ABS-CBN na namamahala sa mga career nina Daniel at Kathryn.

Nagpadala na rin ang PEP.ph ng mensahe kina Kathryn at Daniel, sa pamamagitan ng Instagram direct messaging, upang hingin ang pahayag nila tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN