Lea Salonga posts "Ten Commandments of Show Business" on Instagram

IMAGE Courtesy: Lea Salonga Facebook account

Makahulugan ang Instagram post ni Lea Salonga nitong nakaraang Linggo, April 30. Nakasaad sa kanyang post ang "Ten Commandments of Show Business" para sa mga kasamahan niya sa industriya.


Hindi lingid sa mundo ng showbiz ang minsana'y pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng mga magkakasama sa iisang proyekto.

Minsan ay nauuwi pa ito sa away o kaya naman ay parinigan sa social media.

Kaya naman timely at aprubado ng followers ng Pinay Broadway star na si Lea Salonga ang kanyang post sa Instagram nitong nakaraang Linggo, April 30.

Ito ay ang "Ten Commandments of Show Business," kung saan nakasaad ang tamang pag-uugali at pagkilos, pakikitungo at pakikibagay ng mga nasa industriya sa kapwa nila nagtatrabaho din sa showbiz.

Ito ay base na rin sa halos apat na dekadang karanasan ni Lea sa larangan ng teatro, musika, pelikula, at telebisyon.

Narito ang "Ten Commandments of Show Business" na nilikha ng 46-year-old international singer-actress na sana'y gawing batayan ng mga taga-showbiz industry:

1.    DO NOT BE AN ASSHOLE.

2.    AGAIN, DO NOT BE AN ASSHOLE.

3.    WHEN YOU ARE AN ASSHOLE, OWN IT AND APOLOGIZE.

4.    TREAT EVERYONE WITH RESPECT: CAST, CREW, MANAGEMENT, MUSICIANS, TECHNICIANS, STAFF. THEY ARE ALL THERE TO PARTICIPATE IN CREATING (IT IS NOT ALL ABOUT YOU).

5.    DO NOT BE LATE. EARLY IS “ON TIME”.

6.    DO NOT BE UNPREPARED.

7.    DO NOT TELL FELLOW ARTISTS HOW TO DO THEIR JOBS.

8.    DO NOT IMPROVE SCENES, SONGS, DIRECTION, OR CHOREOGRAPHY, GO CREATE YOUR OWN SHOW FROM SCRATCH IF YOU THINK IT IS SO EASY.

9.    DO THINGS THAT SCARE YOU AND FORCE YOU TO GROW.

10. IF YOU MAKE A COMMITMENT, FOLLOW IT THROUGH TO THE FULL EXTENT OF YOUR CAPABILITIES.

Nakasaad din sa caption: “Read #1 at least 1,000 times. Please. Haaaaay."

Read #1 at least 1,000 times. Please. Haaaaay.

A post shared by Lea Salonga (@msleasalonga) on


Tanong ng ilang followers ni Lea kung may pinatatamaan siya sa kanyang post na ito.

Ayon naman sa isang nagkomento, ipapabasa niya ito sa isang aktor na nakasama niya noon.



Ayon naman sa singer na si Jed Madela: “I will save this and forward it to all those who apply to #1.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


At sinagot naman ito ng Miss Saigon star.


Narito pa ang ibang komento ng pagsang-ayon sa naging post na ito ni Lea.



LEA'S CAREER. Para sa marami, may karapatan si Lea na gumawa ng "listahan" ng mga dapat iasal ng mga taga-entertainment industry.

Sa loob ng halos apat na dekada sa industriya ay ilang karangalan na ang natamo ni Lea, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi lalo na sa international scene.

Siya ang kauna-unahang Asian na nanalong Best Actress in A Musical sa Tony Awards. Ito ay para sa kanyang pagganap bilang Kim sa Miss Saigon noong 1990.

Maliban dito ay nanalo rin siya sa Laurence Olivier Award, Drama Desk, Outer Critics Circle, at Theatre World Awards para pa rin sa Miss Saigon.

Siya rin ang naging singing voice sa Disney animation movies na Aladdin (1992) at Mulan (1998).

Lumabas din siya Broadway musicals na Les Miserables bilang Eponine at Flower Drum Song bilang Mei-Li.

Nakagawa rin siya ng TV movie para sa Hallmark, ang Redwood Curtain.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN