Gardo Versoza involved in an accident on Destined To Be Yours set

IMAGE Instagram photo of Gardo Versoza

Gardo Versoza accidentally fell and slammed his head on the floor while taping for Kapuso primetime series Destined To Be Yours: "Literally VERSOZA ON THE FLOOR ? thank you LORD ? no crack in d skull."


Nabahala ang fans at followers ni Gardo Versoza dahil sa post niyang naaksidente habang nasa set ng Kapuso primetime series na Destined To Be Yours.

Base sa caption ng una niyang post ngayong Martes, May 2, nahulog si Gardo habang nagte-taping.

Aniya, “[H]ad a very bad fall ,, slammed my head ,, literally VERSOZA ON THE FLOOR ? thank you LORD ? no crack in d skull ,, thanks cupcakes destinedtobeyours.”

Sa kanyang sumunod na post, idinetalye ni Gardo ang nangyari sa kanya.


Kuwento ng aktor sa isang netizen na nag-comment sa post niya: “Humampas po ng bonggang bongga ang ulo ko sa sahig sa eksena namin ni vicente [Tommy Abuel] kaya ayun akala ko basag bungo ko cupcake nagdilim paningin ko.”


Samantala, hindi naman naiwasan ng ilang netizens na iugnay ang Twitter post ni Janice de Belen tungkol sa kakulangan ng medic sa set ng kanilang teleserye.

Si Janice ay gumaganap bilang asawa ni Gardo at ina ni Maine Mendoza sa Destined To Be Yours.

Sabi ng aktres sa kanyang Twitter post kagabi, May 2: “Sometimes our scenes become physical and there is always a chance that accidents happen. D ba dapat mandatory ang medic sa set????”

Ito ay nai-post ni Janice ilang oras bago mag-post ng mga larawan si Gardo ng kanyang sinapit sa aksidente.

Sa kabila nito, tila mas maayos na ang kalagayan ng aktor ngayon.

Bagamat nabigyan na siya ng karampatang lunas, sinabi ni Gardo na makirot pa rin ang kanyang ulo dulot ng aksidente.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN