PEP EXCLUSIVE. Charice Pempengco's mom gives update about singer after breakup with Alyssa Quijano

IMAGE Courtesy: Team Charice on Facebook

Ayon kay Raquel Pempengco, ayaw pang pag-usapan ng kanyang anak na si Charice ang breakup nito kay Alyssa Quijano. Sinabi rin nitong baka sa Japan muna mag-base ang international singer dahil sa ginagawa nitong pelikula.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Charice Pempengco tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang partner na si Alyssa Quijano.

Ngunit nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ina ng singer na si Raquel Pempengco at nagbigay ito ng update tungkol sa anak.

Ayon kay Raquel, "Okay naman siya. Nakiki-jamming sa mga friends.

"Alam mo naman, may pinagdadaanan."

Pero ayaw raw munang pag-usapan ni Charice ang hiwalayan nila ni Alyssa dahil mataga-tagal din ang pinagsamahan nila.

Hindi rin daw tinatanong ni Raquel ang anak tungkol dito at hinahayaan niyang kusa itong magkuwento sa kanya.

Nitong nakaraang linggo ay pumutok ang balitang umalis si Alyssa sa bahay na pinagsasamahan nila ni Charice, at break na ang dalawa.


Stories We Are Tracking

Charice Pempengco and partner Alyssa Quijano break up
Charice Pempengco and partner Alyssa Quijano break up
Charice's mom Raquel Pempengco reacts to
Charice's mom Raquel Pempengco reacts to "laos" comments
Charice still gets affected by bashers
Charice still gets affected by bashers

JAPAN-BOUND? Ayon sa isang source na nakausap ng PEP noon, pansamantala munang magpapahing sa showbiz si Charice.

Pero ayon kay Raquel, mukhang sa Japan na muna magbi-base ang anak.

“Sabi niya sa Japan daw muna siya mag-stay kasi may movie na ginagawa at siya 'ata ang kakanta ng theme song.”

Sa Facebook page ng Team Charice, may ipinost na behind-the-scenes (BTS) photos ng sinasabing pelikulang ginagawa ng singer sa Japan.

Hindi pa malinaw kung ano ang titulo ng international movie na ito ng singer na tinaguriann dating "The Most Talented Girl in the World."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN