Former matinee idol Romeo Vasquez dies at 78

IMAGE File photos / Instagram

Veteran actor Romeo Vasquez passed away this Tuesday, May 2, at the age of 78.


Pumanaw na ang dating matinee idol na si Romeo Vasquez, Roberto Sumilang sa tunay na buhay.

Siya ay binawian ng buhay sa Kaiser Permanente Hospital, sa Los Angeles, California, nitong Martes, May 2 (oras sa Amerika).

May cancer of the liver ang beteranong aktor at na-stroke daw ito habang nasa ospital.

Ang apo niyang si Alyanna Martinez ang nagkumpirma ng pagkamatay ni Romeo, sa pamamagitan ng kanyang Instagram posts ngayong Miyerkules, May 3.

Sabi ni Alyanna sa kanyang unang post, kalakip ang larawan ni Romeo at ng namayapa na rin nitong anak na si Liezl Martinez: "Reunited now in heaven with Mama on her 32nd wedding anniversary"

Si Romeo, na kilala rin sa kanyang palayaw na Bobby, ay ex-husband ng dating movie queen na si Amalia Fuentes.

Si Liezl, na pumanaw noong 2015 dahil sa cancer, ang nag-iisa nilang anak.

Si Amalia ay kasalukuyang bedridden matapos ma-stroke habang nagbabakasyon sa South Korea noong 2015.

Reunited now in heaven with Mama on her 32nd wedding anniversary ???????? #LoloBobby

A post shared by Alyanna Martinez (@alyannamartinez) on

Kasunod na ipinost ni Alyanna ang ilang larawan na nagpapakita ng masasayang sandali nila kasama ang kanyang lolo noong nabubuhay pa ito.

Caption dito ng panganay na anak nina Liezl at Albert Martinez: "Will always remember only the good times"

Will always remember only the good times ?? #LoloBobby

A post shared by Alyanna Martinez (@alyannamartinez) on

Ang panghuling Instagram post ni Alyanna ay isang larawan kung saan kasama niya ang kanyang Lolo Bobby at nakababatang kapatid na si Alissa Martinez.
Simpleng caption niya rito: "#LoloBobby April 9, 1939- May 2, 2017"
Lahat ng Instagram posts ni Alyanna ay may hashtag na #LoloBobby.

?? #LoloBobby April 9, 1939- May 2, 2017 ????????

A post shared by Alyanna Martinez (@alyannamartinez) on

May dalawa pang anak si Romeo mula sa mga sumunod niyang pagpapakasal.

ROMEO'S ACTING CAREER. Si Romeo ay isa sa pinakamalaking artista noong '50s hanggang '70s.

Siya ay naging contract star ng Sampaguita Pictures at itinambal sa pinakasikat na leading ladies noon, gaya nina Amalia Fuentes, Susan Roces, Barbara Perez, at Liberty Ilagan.

Noong '70s ay naipareha rin si Romeo sa higit na mas batang mga aktres, gaya nina Vilma Santos, Alma Moreno, Elizabeth Oropesa, at Vivian Velez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang unang pelikula ni Romeo ay ang Miss Tilapia noong 1956, kung saan nakasama niya sina Gloria Romero at Susan Roces.

Pagkatapos nito ay naging sunud-sunod na ang kanyang mga pelikula.

Ilan sa mga pelikulang nilabasan ni Romeo ay ang mga sumusunod: Pretty Boy (1957), Sino Ang Maysala? (1957), Bobby (1958), Ako Ang Maysala! (1958), Kahapon Lamang (1959), Isinakdal Ko Ang Aking Ina (1960), Amy, Susie & Tessie (1960), Pitong Kabanalan Ng Isang Makasalanan (1962), Suicide Commandoes (1962), at Isinulat Sa Dugo (1965).

Noong 1958 ay itinanghal si Romeo bilang Asia's Best Actor para sa kanyang pagganap sa Ako Ang Maysala!.

Kabilang din sa di malilimutang pelikula ng yumaong aktor ay ang Maruja (1967), Gaano Kita Kamahal (1968), Nag-aapoy Na Damdamin (1976), Dalawang Pugad Isang Ibon (1977), Bakit Kailangan Kita? (1978), at Swing It... Baby! (1978).

Dahil sa madalas nilang pagtatambal ni Vilma sa mga pelikula noong '70s ay nagkaroon sila ng relasyon.

Naging aktibo sa paggawa ng pelikula si Romeo hanggang noong '80s at early '90s.

Ilang sa mga pelikulang ginawa niya noong mga panahong ito ay ang mga sumusunod: Ayaw Kong Maging Kerida (1983), Nang Masugatan Ang Gabi (1984), Hello Lover Goodbye Friend (1985).

Nakilala siya ng bagong henerasyon dahil sa kanyang pagganap bilang Lauro Vizconde sa massacre movies na The Vizconde Massacre (1993) at The Untold Story: Vizconde Massacre II (1994).

Ang huling pelikulang ginawa ni Romeo ay ang Reputasyon noong 1997.

Huli naman siyang napanood na umarte sa Kapuso teleserye na Di Ba't Ikaw noong 1999. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN