Albert Martinez mourns death of 'best friend' Romeo Vasquez: "You will be missed."

IMAGE Courtesy: @alyannamartinez on Instagram

Ipinagluluksa ni Albert Martinez ang pagpanaw ng kanyang father-in-law na si Romeo Vasquez. Bukod kasi sa nagsilbi itong pangalawang ama sa kanya, itinuturing din niya itong matalik na kaibigan. 


“Gone too soon.”

Ganito inilarawan ni Albert Martinez ang pagpanaw ng kanyang father-in-law na si Romeo Vazquez, nitong Martes, May 2 (oras sa Amerika).

Si Romeo—mas kilala din sa tawag na Bobby—ang ama ng namayapang asawa ni Albert na si Liezl Martinez.

Si Liezl ay anak ni Romeo sa kanyang dating asawa na si Amalia Fuentes.

Sa Instagram post ni Albert ngayong araw, May 3, sinabi nitong mami-miss niya nang husto ang kanyang "best friend."

“My Father in law, My best friend... you will be missed #romeovasquez.”


 

Si Romeo ay pumanaw sa edad na 78 sa Kaiser Permanente Hospital, sa Los Angeles, California.

Ilan naman sa nagpahayag ng kanilang pakikiramay sa Instagram posts ni Albert sina Arjo Atayde at Gretchen Barretto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN