Lea Salonga, Pokwang, Janine Gutierrez pay tribute to single moms after "na-ano lang" remark of Sen. Tito Sotto

IMAGE Noel Orsal

Lea Salonga, Janine Gutierrez, and Pokwang are some of the celebs who posted on Twitter to pay tribute to single mothers, after Sen. Tito Sotto (not in photo) became a trending topic because of his 'personal question' to DSWD Secretary Judy Taguiwalo.


Nag-react din ang ilang celebrities sa personal na katanungan ni Senator Tito Sotto kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo sa isinagawang pagdinig sa Commission of Appointments sa Senado, kaninang umaga, May 3.

Ang Commission of Appointments, kung saan kabilang si Sotto, ang magdedesisyon kung maipagpapatuloy ng isang presidential appointee, kagaya ni Taguiwalo, ang tungkuling iniatang dito.

Sa pagdinig para sa appointment ni Taguiwalo, tinanong siya ni Sotto tungkol sa kanyang pagiging single mother.

Pagkatapos sagutin ni Taguiwalo ang tanong ay ito ang sinabi ng senador: "In the street language, when you have children and you are single, ang tawag dun, e, 'na-ano' lang."

Ang ibig sabihin ng "na-ano" lang ay nabuntis o naanakan.

Kaugnay nito, agad na nag-trending si Sotto sa Twitter, kung saan binatikos siya ng maraming netizens.

Read: Sen. Tito Sotto draws flak over "naano lang" remark about DSWD Sec. Judy Taguiwalo

CELEBRITIES REACT. Kagaya ng maraming netizens, ilang celebrities din ang nagbigay ng kanilang opinyon tungkol sa isyung ito, sa pamamagitan ng Twitter.

Kabilang sa mga nag-tweet ay sina Lea Salonga, Janine Gutierrez, at Pokwang.

Bagamat wala silang pangalan na tinukoy, malinaw na ang kanilang mga pahayag ay may kinalaman sa sinabi ni Sotto.

Sina Lea at Janine ay parehong pinalaki ng kanilang single mothers, habang si Pokwang ay isang single mother.

Tila matindi ang galit ni Lea sa mga taong ang tingin sa single mothers ay "less than."

Sabi pa ng Pinay Broadway star, "For those that look down upon these beloved ladies, there's a special place in hell for the likes of you."

Si Janine at ang kanyang mga kapatid ay lumaki sa poder ng kanilang ina na si Lotlot de Leon, nang makipaghiwalay ang huli sa kanilang ama na si Ramon Christopher.

Pinapurihan naman ng Kapamilya comedienne na si Pokwang ang lahat ng single mothers kagaya niya:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sa kanyang tweet ay direktang binanggit ng direktor na si Antoinette Jadaone ang pangalan ni Senator Sotto:

Ayon naman sa spokesperson ni former President Noynoy Aquino na si Abigail Valte:

Maging si Aiza Seguerra, dating Eat Bulaga! mainstay at ngayo'y chairman ng National Youth Commission, ay nagpakita ng suporta kay Secretary Taguiwalo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN