Sen. Tito Sotto draws flak over "na-ano lang" remark about DSWD Sec. Judy Taguiwalo

IMAGE Noel Orsal

Senator Tito Sotto is again in the crosshairs of netizens, this time for what they perceived as his insensitive remark about DSWD Secretary-designate Judy Taguiwalo being unmarried with children. 

 


Muling nag-trending sa Twitter si Senator Tito Sotto.

Ito ay dahil umano sa "hindi makatao" at "walang kabuluhang" komento nito kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary-designate Judy Taguiwalo sa hearing ng Commission on Appointments (CA) kaninang umaga, Mayo 3.

Ang CA ang magdedesisyon kung maipagpapatuloy ng mga presidential appointee, kagaya ni Taguiwalo, ang iniatang na tungkulin sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Sa pagtatapos ng pagtatanong nila ni Senator Franklin Drilon kay Taguiwalo, nagsabi si Sotto na may personal siyang katanungan para sa kalihim.

Ang tanong niya: “On a lighter side, Senator Drilon and I were looking personal information about you.

"You have two children, daughters ba o sons...? But you’re single?”

Diretsong tugon ni Taguiwalo, “My life has never been a normal one.

"I never had a home-father-mother-children kind of thing, except when I was growing up in Bacolod. 

"Remember, I graduated from U.P. [University in the Philippines]. In 1970, I did organizing work.

"From 1972 up to 1986, it has been a life underground or in prison.

"So, well, my story would be different from the stories from those who have gone through you know… U.P., corporation, etc.”

Komento ni Sotto, “Yung sa… in the street language, when you have children and you are single, ang tawag dun, e, 'na-ano' lang.”

Dito na nagtawanan ang ilang mga tao sa gallery ng Session Hall.

Ang ibig sabihin ng "na-ano" lang ay nabuntis o naanakan.

Samantala, walang pagkatinag na sinagot ni Taguiwalo si Sotto.

Pahayag ng DSWD secretary, “Okay, Senator Sotto, I teach women's studies, so we respect all kinds families, and that includes solo parents, thank you.”

Nakangiti pa rin si Taguiwalo matapos niya itong sagutin.

Ang "naano lang" ay madalas gamitin ni Sen. Tito Sotto at ng iba pang hosts ng kinabibilangan niyang noontime show, ang Eat Bulaga!, sa mga contestant sa programa na may anak ngunit walang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa susunod na linggo ipagpapatuloy ang pagdinig ng CA para sa appointment ni Taguiwalo.

Ang sumunod sa kanyang umupo sa pagdinig ay si Gina Lopez, na ni-reject ng Commission of Appointments upang maging secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

TRENDING "TITO SOTTO." Ilang minuto matapos ang pagharap ni Taguiwalo sa Commission on Appointments, nag-trending kaagad sa Twitter si Sotto.



Dito ay tinawag ng netizens ng mga masasakit na salita ang mambabatas:

 

Marami pang masasakit na salita ang ikinabit ng netizens sa pangalan ng senador. 
Pero hindi ito ang unang pagkakataog nabatikos ng netizens si Sotto dahil sa kanyang mga binitawang pahayag.

Noong Hulyo 2016, nagalit din ang ilang netizens sa kanya dahil sa umano'y "victim-shaming" statement niya laban sa isang female contestant ng “Juan for All, All for Juan” segment ng Eat Bulaga.

Read: Senator Tito Sotto defends 'victim-shaming' statement on Eat Bulaga!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN