Single moms Jennylyn Mercado, LJ Reyes, Geneva Cruz take a stand against Senator Tito Sotto

IMAGE Instagram photos of (Clockwise from top left) Jennylyn Mercado, Geneva Cruz, LJ Reyes

Celebrity single moms Jennylyn Mercado and LJ Reyes (left, top and bottom) plus Geneva Cruz (right) took to social media to express their dismay over Senator Tito Sotto's "na-ano lang" joke on DSWD Secretary Judy Taguiwalo pertaining to her being a single parent.


Napukaw ang atensiyon ng maraming celebrity single moms dahil sa biro ni Senador Tito Sotto sa pagiging single mother ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo kahapon, May 3.

Sa isinagawang hearing ng Commission of Appointments sa Senado kahapon, May 3, sinabi ni Sotto kay Judy na "na-ano lang" ang salitang kalye para sa mga babaeng nabuntis o naanakan ngunit walang asawa o hiwalay.

Kasunod nito, ilang celebrity single moms ang naghayag ng saloobin sa social media sa birong ito ng senador.

Halos lahat sila ay sinabing proud sila maging solo parent na nagpapalaki sa kani-kanilang mga anak.

LJ REYES. Sa Instagram post ng Kapuso actress na si LJ Reyes kagabi, May 3, sinabi niyang napapanahon na upang suportahan ng single moms ang isa't isa.

Sa caption ng lumang larawan nila ng anak na si Aki, sabi ng Kapuso actress: “I am a proud single mom to my son Aki!

“I think it's time to stand up for all the women who singlehandedly raise their child(ren)! No matter what people say!

“Respect begets respect! God bless you!”

Si Aki ay anak ni LJ sa dati niyang boyfriend na si Paulo Avelino.

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes) on

Bago ito ay may nauna pang Instagram post si LJ, kung saan naghayag siya ng saloobin tungkol sa pagre-reject ng Commission of Appointments kay Gina Lopez bilang Department of Environment and Natural Resources (DENR) secretary at sa naging pahayag ni Senator Tito Sotto.

Ngunit tila binura na ito ni LJ sa kanyang timeline.

Ganunpaman, nakakuha kami ng kopya ng nilalaman ng post ng D'Originals actress:

“What a sad day. I cannot put into words how bad I really feel. Anger. Frustration. Disappointment. And many more.

"We needed Sec. Gina Lopez! I believe in what she is fighting for! I believe in what she can do for this country, most especially to our neglected fellow countrymen and to our nature that has been suffering for ages in exchange of wealth of the few.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But what we don't need is somebody who belittles mothers that singlehandedly raises their kid(s)! Remember that in every single mother's story, there is a man like you (!!!!) who would never ever be at par to any of the single mothers out there!

"Sabi ni Lord wag daw ako magsalita ng masama. So I will not describe how I perceive you!

"And I do think there's no need for that! I believe the whole country and probably the whole world now looks at you the same way I do!

"God bless you! I will pray for you!"

Sinang-ayunan naman ito ng boyfriend ni LJ na si Paolo Contis sa hiwalay na Instagram post.

Kalakip ang larawan ni LJ at ng anak nitong si Aki, pinatamaan ni Paolo si Sotto sa kanyang caption:

"Ang alam ko sa joke dapat nakakatawa... hindi nakaka offend... single motherhood should not be joked about... well, what can I expect, hindi ka nga pala magaling magpatawa kahit kailan..

"@lj_reyes is one great mother and I am very proud of her! Malamang mas lalake pa siya kesa sayo!"

GENEVA CRUZ. May mensahe rin ang singer-actress na si Geneva Cruz para kay Sotto sa kanyang Instagram post, kung saan kasama niya sa photo collage ang mga anak na sina Heaven at London.

Si Heaven ay anak ni Geneva sa kanyang dating asawang si Paco Arespacochaga, ang dating vocalist ng bandang Introvoys.

Si London naman ay anak ng dating Smokey Mountain member sa kanyang Fil-Aussie ex-boyfriend na si Lee Paulsen.

Sabi ni Geneva sa caption: “Senator Tito Sotto, just so you know, as a mom, I actually did not plan on being single.

“But in life, we all have to deal with the cards we are dealt the best way we can.

“We single moms all have different stories; some were married, others chose not to have a partner, and some were even raped.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa niyang pagpuna sa sinabi ni Sotto, “Raising a #family is difficult enough, we don't need to be ridiculed by you.

“We need encouragement and opportunities, not belittlement nor obstacles of any kind.

“Hindi po talaga nakakatawa ang joke ninyo. Anyway, All the best!”

Kasama rin sa post ni Geneva ang isang popular quote mula sa The Single Woman author na si Mandy Hale.

"To all my fellow single moms: 'You are a doctor, a teacher, a nurse, a maid, a cook, a referee, a heroine, a provider, a defender, a protector, a true #Superwoman. Let us wear our capes proudly.'"

OGIE ALCASID & REGINE VELASQUEZ. Ang quote na ito ay ibinahagi rin ng mag-asawang sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa kani-kanilang Instagram.

JENNYLYN MERCADO. Nagpakita rin ng suporta si Jennylyn Mercado sa mga katulad niyang single parent, sa pamamagitan ng Twitter post.

Si Jennylyn ay may isang anak na lalaki, si Alex Jazz, sa dati nitong boyfriend na si Patrick Garcia.

Sabi ng Kapuso star: “I have high respects for my fellow solo parents by choice or by force. Mahirap dahil mag-isa, pero lahat kinakaya dahil sa love sa anak.”

IZA CALZADO. Nagpaabot naman ng suporta ang dating Eat Bulaga! host na si Iza Calzado sa kanyang mga kaibigang single mother, bunsod ng “derogatory remark” na inihayag ni Senator Sotto.

Pahayag ng Kapamilya actress, “Sorry this is rather late but I'd like to give a tight hug to all my single mother friends here and send love to all the single mothers in the world.

“Just my own way of balancing such a negative and derogatory remark that was made about single moms yesterday.

“Even if there was no intention to harm anyone, words are so powerful they can hurt others. Love and Light.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Lea, Pokwang, Janine pay tribute to single mothers
Lea, Pokwang, Janine pay tribute to single mothers
Claudine Barretto calls out ninong Sen. Tito Sotto
Claudine Barretto calls out ninong Sen. Tito Sotto

MATTEO GUIDICELLI, KIANA VALENCIANO, ALEX MEDINA. Samantala, hindi rin naging maganda ang pagtanggap ng iba pang celebrities sa "na-ano lang" joke ni Senator Tito Sotto.

“How disrespectful” ang komento ni Matteo Guidicelli sa video na nagpapakita ng pag-uusap nina Sotto at Taguiwalo sa Senate hearing para sa kumpirmasyon ng huli bilang DSWD secreta

May patama rin si Kiana Valenciano sa senador at TV personality:

Napamura naman ang aktor na si Alex Medina sa isa niyang tweet tungkol sa senador.

Pero nakiusap ito sa kanyang followers na huwag na raw idamay ang "loser's daughter" sa isyung ito.

Ang tinutukoy ni Alex ay ang bunsong anak ni Sotto na si Ciara, na may anak ngunit hiwalay sa asawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN