Senator Tito Sotto on 'na-ano lang' joke: "Mga trolls lang nagpapalaki nyan."

IMAGE Instagram

Senator Tito Sotto is blaming the trolls online for making a "big fuss" of his "na-ano lang" joke on DSWD Secretary Judy Taguiwalo. 


Sinisisi ni Senator Tito Sotto ang online trolls sa paglaki ng ginawa niyang biro kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo sa hearing ng Commission on Appointments (CA), nitong Miyerkules, May 3.

Ayon kay Sotto, ang salitang kalye para sa single parents, kagaya ng kalihim, ay “na-ano lang.”

Marami ang nagalit sa birong ito ng senador at inulan siya ng batikos, partikular na sa social media. 

“Mga trolls lang nagpapalaki nyan. Hayaan mo na sila," sabi ni Sotto sa kanyang text message sa ABS-CBN News ngayong Huwebes, May 4.

Ayon sa politician-TV host, hindi bago ang ginamit niyang biro sa pagtukoy sa mga inang walang asawa.

Madalas ngang gamitin ang "na-ano lang" sa noontime show Eat Bulaga!, kung saan host si Sotto, kapag nilalaro nila ang pagiging single parent ng isang ina.

Paniniwala rin ng senador, ang mga dumibdib ng kanyang biro ay mga masyadong sensitibo o kaya ay mga kritiko niya.

“Some people are overly sensitive, perhaps.

“Perhaps they didn’t realize it was the CA, therefore anything under the sun, even your socks, I can question.

“Then perhaps these are just people who are really not my fans. So to speak.

“Mga pangontra sa ‘kin yan. Kahit anong makita sa akin, may pangontra na,” pahayag ni Sotto sa panayam sa kanya ng press noong Miyerkules, pagkatapos ng hearing.

Ganunpaman, humingi na ng paumanhin si Sotto sa ginawa niyang biro, na hindi raw nasakyan ng iba.

Sa kabila nito, hindi pa rin napigilan ng netizens, kabilang ang ilang artista, na punahin ang hindi magandang biro ni Sotto kay Taguiwalo.


Stories We Are Tracking

Sen. Tito Sotto draws flak over his
Sen. Tito Sotto draws flak over his "na-ano lang" remark
Sen. Tito Sotto apologizes for
Sen. Tito Sotto apologizes for "na-ano lang" remark


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN